San Beda, St. Benilde magkakasubukan | Bandera

San Beda, St. Benilde magkakasubukan

Mike Lee |July 28,2014
facebook
share this

San Beda, St. Benilde magkakasubukan

Mike Lee - July 28, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
2 p.m. San Beda vs St. Benilde
4 p.m. Mapua vsSan Sebastian
Team Standings: San Beda (5-0); Arellano (5-1); Lyceum (4-2); Perpetual Help (3-2); San Sebastian (3-2); JRU (3-3); St. Benilde (2-3); EAC (1-4); Letran (1-4); Mapua (0-6)

SUSUKATIN ng namamayagpag na four-time defending champion San Beda ang tikas ng bumabangon na St. Benilde habang magbabaka-sakali ang San Sebastian na umangat sa ikatlong puwesto sa pagpapatuloy ng 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ikaanim na diretsong panalo ang makukuha ng Red Lions kung mapigil ang two-game winning run ng Blazers sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon.

Nais naman ni San Beda coach Boyet Fernandez na maipagpatuloy ang mahusay na depensa ng mga alipores para pigilan sina Paolo Taha, Mark Romero at Jonathan Grey at lumayo pa sa pumapangalawang Arellano Chiefs (5-1).

Katunggali ng Stags sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon ang wala pang panalong Mapua Cardinals ay inaasinta ang ikaapat na panalo matapos ang anim na laro para iwanan ang kasalukuyang kasalo na Perpetual Help Altas at tapatan ang karta ng nagsosolo sa ikatlong puwesto na Lyceum Pirates.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending