Showdown ng Voice Kids Final Four magiging madugo | Bandera

Showdown ng Voice Kids Final Four magiging madugo

Reggee Bonoan |July 25,2014
facebook
share this

Showdown ng Voice Kids Final Four magiging madugo

Reggee Bonoan - July 25, 2014 - 03:00 AM

THE VOICE KIDS – DARREN, LYKA. DARLENE AT JUAN KARLOS

Napili na ang Final Four sa The Voice Kids – sina Darren at Lyca ng mula sa team ni Sarah Geronimo, si Darlene mula sa team Lea at si Juan Karlos mula sa team Bamboo.

Mapapanood ang grand finals ngayong Sabado kaya naman kabado na ang apat na bagets kung sino sa kanila ang tatanghaling unang grand champion ng The Voice Kids.

Samantala, trending sa social media ang mga sinabi nina Darren, Lyca, Darlene at Juan Karlos sa kagustuhan nilang mapanalunan ang bahay na handog ng Camella Homes at kung ano ang gagawin nila sa premyong ito.

Ayon kay Darlene, “Pag nanalo po ako ng bahay, papalagyan ko kuwarto ko ng Hello Kitty at kuwarto naman ng ate ko, papalagyan ko ng wallpaper ng crush niya.” Nakakuha ng 2,633 likes at 189 comments ang post na ito ni Darlene sa kayang Facebook account.

Si Lyca naman, “Pag nanalo po ako ng bahay sa Camella, doon po ako magbi-birthday at magse-celebrate sa loob ng bahay.” Nakakuha naman ng 61 likes at 896 comments ang batang taga-Cavite na inihantulad kay Ms. Nora Aunor.

Ang sabi naman ni Darren, “Kapag nanalo ako ng bahay ay ise-set up kop o ‘yung room ko at invite ko friends ko para mag-swimming kami.” Nakakuha naman ng 3, 622 likes at 659 comments.

At ang panghuli na si Juan Karlos, “Pag nanalo ako ng bahay gagawin kong color white ‘yung kuwarto ko, favorite color kop o kasi white.”

Nakakatuwa ang mga batang ito dahil may kanya-kanya na silang pangarap sa bahay na mapapanalunan nila kahit na mga bagets pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending