Gabby Eigenmann inipit ang nota; tagumpay ang operasyon sa apdo | Bandera

Gabby Eigenmann inipit ang nota; tagumpay ang operasyon sa apdo

Ervin Santiago |July 25,2014
facebook
share this

Gabby Eigenmann inipit ang nota; tagumpay ang operasyon sa apdo

Ervin Santiago - July 25, 2014 - 03:00 AM

GABBY EIGENMANN, GLAIZA DE CASTRO AT BENJAMIN ALVES

Isang linggo palang nasa ospital ang lead star ng bekiseryeng Dading na si Gabby Eigenmann. Inoperahan kasi ang Kapuso aktor – tinanggal ang kanyang gallbladder dahil magang-maga na ito.

Bumisita kami sa taping ng Dading somewhere in Quezon City, at doon nga namin nakachika si Gabby. Medyo okay na raw siya, pero kumikirot pa rin daw ang kanyang opera lalo na kapag malamig.

“Actually, hindi pa talaga schedule ng operasyon ko, one week earlier, biglang sumakit nang matindi, kaya napilitan na akong magpa-confine for operation. Sabi ng mga doktor, magang-maga na nga yung gallbladder ko, tapos nanakita sila ng 10 malalaking bukol, singlaki ng buto ng sampalok. So, kailangan talagang tanggalin na ‘yung buong gallbladder ko,” kuwento ni Gabby.

Dagdag pa ng Kapuso actor, “Siyempre, natakot din ako, kasi imagine, ang average operation time daw ng operation sa gallbladder, one and a half hours lang, pero ako tumagal nang halos limang oras dahil nga matindi na yung pamamaga, tapos isa-isa nilang tinanggal ‘yung mga bukol, before tinanggal yung buong apdo.”

Bawal na bawal na kay Gabby ang kumain ng matataba at salty food, “Kasi wala na nga (gallbladder), so, kailangang mag-ingat na dahil yung liver ko na lang ang naglilinis sa system ko. Buti nga raw naagapan agad, kung hindi, open talaga yung surgery, yung sa akin, binutasan lang.”

Samantala, tuwang-tuwa ang buong production ng Afternoon Prime series ng GMA na Dading dahil patuloy ito sa paghataw sa ratings game. Mula nang magsimula ito hanggang ngayon ay napakataas ng kanilang rating.

“Napakarami pang mangyayari sa buhay ni Carding, actually, ang pinaka-excited ako yung ipalalabas this Friday (today), kasi sumali na siya sa gay beauty contest,” kuwento ni Gabby.

“Masaya ang experience! Nu’ng matapos nga ang make-up ko, ang dami nilang peg. Noong una, sabi nila mala-Jennifer Aniston daw na may pagka-Priscilla Almeda hanggang sa naging Ara Mina, tapos kamukha ko rin daw si Rosanna Roces. In fairness nu’ng rumampa na ko, keri ko naman daw. Pero sabi ko, ‘Mga bakla, kinakabahan talaga ‘ko! Afraid! Ha-hahaha!” ang tumitiling chika ni Gabby na emote na emote bilang si Carding.

Tinanong si Gabby kung paano niya itinago ang kanyang pototoy nu’ng isinuot na niya ang kanyang outfit, inipit din daw ba niya tulad ng ginagawa ng mga tunay na bading na sumasali sa mga beauty contest?

“Naku, oo! Kaloka! Sabi ko, mga bakla paano n’yo kinakaya ‘to, ang sakit! Ang hirap talaga, hindi ako makaupo. Naka-high heels pa, di ba? Matagal siyang nakaipit! Ha-hahaha! Kasi ang tagal din nu’ng mga eksena namin. Yung make-up ko pa, halos two hours ginawa para magmukha talaga akong babae.

“Ngayon knows ko na ang effort ng mga beki sa mga beaucon (beauty contest), kaya saludo ako sa kanila. Tapos, yung pressure pa. E, yung sa amin, scripted na ‘yun, pero inatake pa rin ako ng nerbiyos! Sila pa kaya, di ba?!” tawa nang tawang chika ni Gabby.

Inamin din ni Gabby na may mga pagkakataon na nadadala niya sa bahay ang pagiging dading, “Oo, e. Kasi kapag madaling araw na kami natapos sa taping, parang hindi na ako nakapag-pagpag, umuwi ako, si Carding pa rin. Yung daliri ko tumitikwas, nagsasalita ako ng gay linggo, yung mga ganu’n lang naman. Ha-hahaha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang Dading sa GMA Afternoon Prime sa direksiyon ni Ricky Davao. Kasama rin dito sina Glaiza de Castro, Benjamin Alves, Gardo Versoza at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending