Alex Gonzaga negang-nega matapos laitin si Ryan Bang
Ayan, lumabas na nang walang ka-effort-effort ang kamalditahan ni Alex Gonzaga. Ibinuking kasi ni Ryan Bang ang mga kagagahang ginawa sa kanya ng younger sister ni Toni Gonzaga.
Bukod sa tinawag siyang pangit ay sinabihan pa siyang “change your parents”. Whether it’s a joke or not ay masama ang dating ng pagkakasabi ni Alex nang ganoon kay Ryan.
Imagine, pati ba naman parents ng Korean actor ay idinamay niya. Eh, kung siya kaya ang pagsabihan nang ganoon, ano kaya ang mapi-feel niya?
Ganoon ba pinalaki si Alex ng kanyang mga magulang, ang maging mapanglait? Where are your manners, Alex? Nasaan? O baka naman wala talaga noon pa?
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.