Kalat na sa internet: 'Aga Muhlach R.I.P. 1969-2014!' | Bandera

Kalat na sa internet: ‘Aga Muhlach R.I.P. 1969-2014!’

Alex Brosas |July 12,2014
facebook
share this

Kalat na sa internet: ‘Aga Muhlach R.I.P. 1969-2014!’

Alex Brosas - July 12, 2014 - 03:00 AM


THERE is a new victim of death hoax – Aga Muhlach. Kumalat sa Facebook ang “AGA MULACH R.I.P 1969-2014”. Of course, walang naniwala dahil buhay na buhay pa naman si Aga.

Sino kaya ang may pakana  nito? Tama nga ang sinabi ni Ai Ai delas Alas, lahat ng lang, kung sinu-sino na lang ang pwedeng mam-bash at gumawa ng kuwento sa social media.

Ang comments sa pagkamatay kuno ni Aga ay nagpakita ng concern sa actor, “Please, huwag share nang share ng mga ganyan. i-verify ninyo muna sana. buhay na buhay ang tao, pinapatay ninyo. that’s very bad. babalik yan lahat sa inyo. obvious namang hoax. mukhang tanga lang ang mga nagsi-share ng ganito,” sabi ng isang guy.

“Ilan na ang pinatay nyo dto sa social media, pakamatay na lang kayo,” tili naman ng isa pa. Merong isang nakapuna at sinabing, “At MALI ang spelling mo ng Mulach dapat MUHLACH ! So you’re not that close to AGA.”

Natawa naman kami sa isang guy who commented, “Patay lang ang career pero siya buhay pa.” Oo nga. Ano ba ang project ngayon ni Aga? ‘Yung kaisa-isang show niya sa TV 5 ay nawala pa sa kanya dahil pinalitan siya ni Ogie Alcasid.

Noong una, si Kim Chiu ang pinatay sa social media, followed by Marian Rivera, then Ka Freddie Aguilar at pati si Ian Veneracion. And now, Aga.

Naku, sinex kaya ang gumagawa ng kagaguhang ito sa social media. Halatang wala siyang magawa, ha.

( Photo credit to aga muhlach official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending