Ano ang susunod na drama ni Kris...nahulog sa bangin...nagpatiwakal...o, nasagasaan ng tren? | Bandera

Ano ang susunod na drama ni Kris…nahulog sa bangin…nagpatiwakal…o, nasagasaan ng tren?

Jobert Sucaldito |April 25,2014
facebook
share this

Ano ang susunod na drama ni Kris…nahulog sa bangin…nagpatiwakal…o, nasagasaan ng tren?

Jobert Sucaldito - April 25, 2014 - 03:00 AM

KRIS AQUINO

IN FAIRNESS to Q.C. Mayor Herbert Bautista, never mo siyang narinig na nagsalita ng anything about whatever issue he has with Kris Aquino.

Puro si Kris lang ang dakdak nang dakdak – mistulang uhaw na uhaw sa publisidad at parang sobrang sabik nang magkadyowa. Lahat ng kalokahan ay ginawa na niya to the point na nagpaputol pa ng buhok para di matinag sa headlines.

Ilang linggo na ba niyang nakopo ang front pages ng mga newspapers. Grabe ang babaeng ito, wala talagang kapaguran.
“I am just wondering kung ano ang nasa puso at utak ni Kris, the fact that she has hurt a family dahil sa pag-announce niya ng ‘friendship’ niya kay Bistek. Parang wala siyang paki kung merong mga umiiyak na kaluluwa basta ang mahalaga lang sa kaniya ay ang maianunsiyo ang nasa utak niya.

“Napakarelihiyosa niya kuno pero nakalimutan yata niyang nasa Sampung Kautusan ng Panginoon natin ang ‘do not covet thy neighbor’s wife’. Kahit sabihin pang hindi kasal si Bistek kay Tates Gana, it’s a common knowledge na nagsasama ang dalawang ito sa isang bubong at merong dalawang anak. That’s tantamount to coveting a neighbor’s husband, di ba?

“Napakarami namang lalaki riyan pero bakit doon pa niya isiniksik ang sarili niya sa isang lalaking may pananagutan na sa buhay. She seems to be enjoying wrecking families. Huwag na siyang humawak ng rosaryo at mag-pretend na relihiyosa, dahil she doesn’t walk her talk, di ba?

“Balita ko, sobrang pressured si Mayor Herbert sa pamilya ni Kris dahil sa kabalbalan ng babaeng ito. Hindi talaga puwedeng magsalita ng anything against the girl si Bistek dahil malilintikan siya sa Malakanyang dahil nasa position siya as mayor. Patay siya pag pinag-initan siya ni P-Noy. Kaya tikom na tikom ang bibig ni Mayor.

“Kahit anong pagkabuwisit niya kay Kris for dragging his name sa kanegahan, sinasakyan na lang niya si Kris. Hindi niya makuhang magalit dahil nag-iingat lang siya. Ibang klaseng mambengga ang mga Aquino. Baka pag nagsalita siya against Kris ay bigla siyang kasuhan at mapababa sa puwesto. Kaya tahimik talaga siya,” anang isang observer na mukhang may alam sa tunay na situwasyon nina Bistek and Kris.

Wala raw kasing choice si Bistek kungdi ang i-please na lang si Kris sa anumang kadramahan nito. Hindi siya puwedeng umalma dahil talagang susubsob siya sa lusak. Isang upuan lang ng Malakanyang, tiyak na puwede siyang patalsikin. Hawak pa naman ni Aquino si Mar Roxas ng DILG na mahilig maghanap ng mga butas sa mga pulitiko para mapaalis sa puwesto. Pag pinag-initan ka ng mga iyan, talagang manginginig ka. wala silang pakialam.

Kita n’yo nga si Gov. ER Ejercito ng Laguna, kaso ng overspending ang naisip nilang isupalpal sa gobernador dahil galit ang mga Aquino sa mga Estrada. Nakakatawa sila, di ba? Kaya kuwidaw si Bistek na kalabanin si Kris, kahit ayaw niya sa babaeng ito, wala siyang choice kungdi ang pakisamahan ito para hindi siya masira sa propesyon niya.

A few nights ago, ang drama ni Kris ay pagpahiwatig na wala na sila ni Bistek. Hindi pa man natapos ang gabi ay may pinost na naman siya sa Instagram niya na kesyo natanggap niya ang Gatorade na pinadala ni Herbert sa bahay niya. The next day, may inanunsiyo na naman siyang pinadalhan siya ni Bistek ng fruits.

“Baka the next day ay padalhan na lang siya ni Bistek ng billing sa lahat ng pinadala niya. Ha-hahaha! Everyday kasi ay sari-sari ang mga ipinahahayag ni Kris about her and Bistek. Pati pagpapa-check-up niya sa hospital ay nagawan pa niya ng story – na kesyo tinanong siya ng doktor niya if she is pregnant dahil nahilo siya sa taping ng kaniyang morning show. Nakakaloka siya!

“Ano ang advise sa kaniya ng managers niya? Na okay lang yung ganoon? Or wala lang silang magawa o baka takot na magalit si Kris at mawalan sila ng komisyon. Bakit hindi nila iuntog sa pader ang babaeng iyan para magising sa katotohanan. Puwede ka namang ma-in love pero magpakanormal naman. Hindi yung bawat kibot dakdak.

“Sinong lalaki ang maglalakas ng loob na seryosohin ka kung ganoon ka ka-public, sige nga? Hindi ko ma-imagine ang magiging buhay ng lalaking mapapangasawa ang isang Kris Aquino. Out of this world kasi ang dating ni Kris. She’s horrible!” buwisit na sabi ng isang kakilala namin.

“Hala sige, patol naman tayo nang patol. Kita niyo na, sino ngayong artista ang maglalakas ng loob na sumingit sa entertainment pages ng newspapers natin, aber? Puro Kris Aquino ang laman ng bawat column. Iba-ibang anggulo, iba-ibang komentaryo. Nakakaloka na ang industriya natin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano naman kaya ang susunod na statement ng babaeng iyan? Na nahulog sa bangin? Na nagpatiwakal? Na uminom ng gas? Na nagmumog ng merthiolate? Na nagpasagasa sa tren? Ano?” sabi naman ng isang reporter.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending