Angel: mahiya ka te, tumahimik kayo kung ayaw ninyo ng gulo! | Bandera

Angel: mahiya ka te, tumahimik kayo kung ayaw ninyo ng gulo!

Alex Brosas |April 25,2014
facebook
share this

Angel: mahiya ka te, tumahimik kayo kung ayaw ninyo ng gulo!

Alex Brosas - April 25, 2014 - 03:00 AM

ANGEL LOCSIN INQUIRER

Birthday ni Angel Locsin recently pero tila merong isang basher na hindi siya tinigilan sa pang-aasar sa kanyang Instagram account.

Obviously miffed, tinarayan na ni Angel ang basher niya.

“Te, bat di ka na lang magtanong sa kanya kung ano ba ang nangyare total parang close naman kayo? Mahiya ka ha. Pasalamat kang di ko kuwento yan para magsalita. At wag na wag mo kong mabaliktad. Hindi ako takot mawalan ng trabaho at magkaroon ng anak. Layas ka sa ig ko te, dun ka,” reaction ni Angel sa isang basher.

This was followed by another remark, “At ang alam ko ako ang nauna. May mga malalanding umaaligid. Nag break kami at sinubukang ayusin, may mga malalandi pa rin na nasa tabi-tabi. Wala kayong narinig sakin kaya tumahimik kayo kung ayaw nyo ng gulo.”

Since we’re not on Instagram, we don’t know kung sino sa past boyfriend ni Angel ang tila pinatutungkulan niya dahil obviously ang basher ay nagpapakalat yata ng maling balita kung bakit nakipag-break si Angel dito.

Actually, kung si Angel talaga ang sumagot ng ganoon ay naiintindihan namin ‘yon. Madalas kasi ay sumusobra na ang bashers sa social media kaya tama lang na kalusin na sila, ‘no! dapat nga ay MURAHIN ang ganyang bashers, no!

Still on Angel, parang gusto na nga naming paniwalaan ang chikang hindi nga nagre-rate nang husto ang soap opera niya kaya hindi matigil ang chikang matsutsugi na ito.

We chanced upon Angel’s teleserye recently at napansin naming tadtad pala ng testimonials ang show. Puro papuri ang sinasabi ng mga unknown people about the show, why they like the teleserye, what they like about the soap.

Kung nagre-rate kasi o maraming televiewers ang teleserye ni Angel ay hindi na kailangan ang mga testimonials ng kung sinu-sinong ordinary guys, ‘no!

Anyway, kahit na hindi siguro masyadong nagre-rate ang show ni Angel ay talagang hindi rin naman ipapakita ng Dos na she’s on her way down. Kahit paano kasi ay malaki pa rin naman ang hatak ni Angel, marami pa rin siyang commercials and she’s one of the most familiar celebrity faces na nagpi-pitch ng product. Since she became popular, there never was a time na nawalan siya ng commercials, hindi siya katulad ng ibang celebrities na few and far between ang mga endorsements, no!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending