Anak ni Liza Dino tanggap na si Aiza bilang bagong 'TATAY' | Bandera

Anak ni Liza Dino tanggap na si Aiza bilang bagong ‘TATAY’

Ervin Santiago |April 22,2014
facebook
share this

Anak ni Liza Dino tanggap na si Aiza bilang bagong ‘TATAY’

Ervin Santiago - April 22, 2014 - 03:00 AM


HALOS isang taon nang magka-live in sina Aiza Seguerra at Liza Dino, at natutuwa ang magkarelasyon dahil unti-unti nang naiintindihan ng anak ng dating beauty queen na si Amara, ang set-up nila ngayon sa kanilang bahay.

Wala raw dapat ikahiya sina Aiza at Liza sa pagsasama nila sa iisang bubong kasama ang 6-year old daughter ng huli sa kanyang dating asawa, nagmamahalan daw sila at wala naman silang inaagrabyadong tao, hindi na lang sila nagpapaapekto sa mga nababasa at naririnig nilang kanegahan about their relationship.

May mga nagsasabi kasi na okay na yung ibinandera nila sa buong mundo ang kanilang love affair, pero ang ipangalandakan pa ito sa pamamagitan ng paghahalikan in public at sobra-sobrang PDA na makikita pang naka-post sa kanilang social media accounts ay hindi ha maganda. Parang masyado na raw silang OA.

Pero sabi nga ni Liza na napapanood gabi-gabi sa seryeng Mirabella sa Primetime Bida ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Enrique Gil, ang pagiging “public” ng kanilang relasyon ay hindi nila sinasadya, pero totoong proud na proud sila kung anuman ang meron sila ngayon.

“We are public not because gusto naming maging public ‘yung relationship namin. Kasi kapag nagpo-post kami ng Instagram sa isa’t isa, dedication namin yun para sa isa’t isa,” depensa naman ni Aiza.

Hirit naman ni Liza, ang pagpo-post nila ng kanilang moments sa Instagram at Twitter ay isang paraan ng pagpapakita ng kanilang “competitive” sides. “Parang competitive kaming dalawa, ‘Ah, nag-post ka ng ganyan, ha.

Ako rin magpo-post.’ Kasi ganoon pala yung feeling kapag araw-araw sinasabi mo sa taong mahal mo yung nararamdaman mo at that very moment.”

Samantala, hindi nagkululang ng paggabay si Liza sa kanyang anak, lalo na sa pagbibigay dito ng sapat na atensiyon ngayong magkasama na sila ni Aiza at malapit na ring ikasal, “We made sure na she understands na hindi kumonti yung mga taong nagmamahal sa kanya kundi dumami pa.

Sa mom side niya, sa dad side niya. And now she has another side, my side. So, kumbaga dumami, mas masaya.” Sa interview ng ABS-CBN kay Liza sinabi rin nitong,

“Umpisa pa lang, pinaintindi ko sa kanya na hindi ibig sabihin pinapalitan na ni Aiza yung role ng dad niya.” Dagdag pa nito, “I tell her, ‘You can only have one dad, pero puwede ka to have more than one parent.

Kasi ang parent, ang ibig sabihin noon, yun ang nagpo-provide, nagmamahal sa ‘yo, binibigyan ka ng care. And it doesn’t necessarily have to be your biological parents.'”

Sabat naman ni Aiza, “We sat down with her also and she asked and I knew that time medyo ano pa siya… I talked to her. I said to her, ‘You know what, I will never replace your dad.

But I want you to know that even if you are not my real daughter, I love you the same.’ Kumbaga, yun lang, we always shower her with love.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to aizaseguerrafanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending