HOROSCOPE, April 21, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, April 21, 2014

Madam Sophia |April 21,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, April 21, 2014

Madam Sophia - April 21, 2014 - 03:10 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Magandang kapalaran ang darating kung ang araw na ito ay sasalubungin ng may ngiti at galak sa yong puso. Alalahanin mong Lunes ngayon. Pasalamatan ng buong galak ang mga taong bumabati sayo upang mas maraming suwerte pa ang kusang dumating.  Mapalad ang 3, 13, 23, 32, 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Pink at blue ang buenas.             
Aries – (Marso 21-April 19)—Ngayon na ang panahon upang magtipid! Alalahaning malapit na naman ang pasukan. Ngayon palang ihanda na ang budget para sa eskuwelahan.  Sa pag-ibig, okey lang kung titipirin ang kasuyo, hindi naman siya magagalit. Mapalad ang 6, 18, 27, 37, 45, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Neh-Venit.” Red at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—  Bagama’t naging magastos ang nagdaang araw, sa pagpasok ng buwan ng Mayo, pagkakataon mo ng makapag-savings. Sa pag-ibig, ma-aalala mong bigla iyong first love, dahil naaalala karin niya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Blue at silver ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Panahon na upang maglinis ng mga abubot! Ibenta ang lahat ng mga bagay na hindi na kailangan. Sa ganyang paraan nagkapera ka na umaliwas pa ang inyong kapaligiran. Sa pag-ibig, katulungin ang kasuyo sa paglilinis. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” White at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Lunes ngayon!  Mainam magpagupit ng buhok, upang lalo kang gumanda at sumeksi. Sa financial, iwasan munang gumastos, sapagkat kung maglalabas ng pera ngayong panahong ito, mas mabilis na mauubos. Mapalad 2, 7, 16, 20, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yantra-Om-Dosha.” Green at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Hindi ka mauutangan, kung lagi kang nagpapakumbaba. Panatiliin ang pagiging low profile. Sa pag-ibig ang pagpapakumbaba ninyo ng iyong kasuyo ang maghahatid patungo sa lalo pang pagyaman. Mapalad ang 1, 8, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum!” Yellow at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Kapag sinusuwerte ang mga Taurus, susuwertehin ka rin! Halos magkapareho ang kapalaran ng Taurus at Virgo, kaya sa panahong ito ng Taurus,  Abril hanggang Mayo, maraming suwerte ang kusang darating ng hindi mo inaasahan. Mapalad ang 5, 9, 24, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om-Karan.” Blue at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sino ba ang makikinabang sa mga paghihirap na ginagawa mo sa ngayon? Matutong mag-relaks! Sa pinansyal at pag-ibig, yayain ang kasuyo na mamasyal sa tabing dagat at doon kayo mag-bonding. Mapalad ang 2, 11, 29, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Red at white ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Kahit gipit sa buhay, hindi dapat sumuong sa mga gawaing illegal at immoral. Sa pagiging matuwid mas madali kang uunlad. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyong Cancer sa tabing dagat at doon kayo mag-unwind. Mapalad ang 4, 16, 26, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Pad-Me-Om.” Magenta at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— ‘Wag babagal-bagal upang hindi maubusan ng suwerte. Sa pagmamadali sa lahat ng ginagawa, mas magiging madali din ang pagyaman. Sa pag-ibig, ipagkaloob na ng mabilis ang hinihingi ng kasuyo – ngayon! Mapalad ang 9, 13, 22, 39, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Narahayana-Om-Namo.” Pink at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi ka dapat tamarin! Habang patuloy na nagsisipag, mas mabilis na lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, siglahan pang lalo ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer upang hindi ka nya iwanan. Mapalad ang 4, 17, 21, 24, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Siravayana-Om.” Purple at magenta ang buenas.
Aquarus – (January 20 – February 18)—Kahit tila nawawalan na naman ng kuwenta ang buhay, ituloy ang posibitong kaisipan at iwasan ang kalungkutan. Sa pag-ibig at pinansyal, ngayon mo mas naiisip na talagang kailangan mo ang isang mapag-aruga at mabait na kasuyo. Mapalad ang 1, 8, 25, 34, 43 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raga-Om-Vaana.” Blue at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Marami kang gustong gawin, pero wala ka pang nasisimulan! Unahin ang mga  bagay na may kaugnayan sa pera. Ituloy ang binabalak na negosyo.  Sa pag-ibig, isosyo ang kasuyo sa negosyong may kaugnayan paghahalaman. Mapalad ang 7, 14, 7, 28, 36, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Apyahana-Dosya-Om.” Green at black ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending