Vhong tuloy ang dasal laban sa ‘rape victims’ | Bandera

Vhong tuloy ang dasal laban sa ‘rape victims’

Ambet Nabus |April 17,2014
facebook
share this

Vhong tuloy ang dasal laban sa ‘rape victims’

Ambet Nabus - April 17, 2014 - 03:00 AM


“Sobrang nagpapasalamat but still nagdarasal pa rin,” ang simpleng tugon pa ni papa Vhong sa kasalukuyang estado ng mga kasong isinampa niya laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo (ang iba pang kasamahan ng mga ito), Roxanne Cabanero at hanggang sa pinakahuling babaeng (stunt woman) sumigaw ng rape laban sa kanya.

Matindi ang pananalig ni papa Vhong sa kanyang abodago at mga supporters mula sa pamilya at GF na si Tanya dahil aniya, “Sa kanila ako talaga kumukuha ng lakas. Sa inyong lahat na nagdarasal din for me.”

Naniniwala din ang aktor-TV host na ang mga ahensya ng gobyerno na may hawak ng kaso niya ay masigasig din sa pag-monitor kaya yung napabalitang diumano’y tangkang pagpunta sa Hongkong ng isa sa mga kinasuhan niya at nasabat nga sa immigration ng airport ay ikinagagalak niya.

Kaduda-duda nga naman ang biglaang mga pagpapa-book papunta sa ibang bansa ng ilan sa mga akusado lalo pa nga’t may ibinaba nang desisyon ang korte hinggil dito.

Harinawang mas matutukan pa ito ng mga ahensyang sangkot sa kaso dahil nananatiling “very traumatic” pa rin kay papa Vhong ang ginawang pambubugbog sa kanya!

( Photo crdit to vhongfanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending