Dating nag-aalaga sa bonsai ni Raymart nilaglag si Claudine | Bandera

Dating nag-aalaga sa bonsai ni Raymart nilaglag si Claudine

Julie Bonifacio |April 17,2014
facebook
share this

Dating nag-aalaga sa bonsai ni Raymart nilaglag si Claudine

Julie Bonifacio - April 17, 2014 - 03:00 AM


Speaking of Claudine Barretto, nakausap namin ang dating tagapag-alaga ng bonsai plants nila ng mister niya na si Raymart Santiago. Through him, nalaman namin na mahilig palang mag-alaga ng bonsai itong si Raymart.

At hindi naman kami nagtaka kung bakit. Say niya, nanghinayang nga raw siya’t naghiwalay ang mag-asawa. Napakabait daw ni Raymart base sa kanyang karanasan habang nag-aalaga ng mga bonsai ng aktor.

Kaya hindi siya naniniwala sa tsismis na sinasaktan ni Raymart si Claudine. Mas malamang pa raw si Claudine ang nananakit kay Raymart, pero di na lang siya pinapatulan ng aktor.

Tulad na lang din ng akusasyon ni Raymart sa ex-wife base na rin sa kasong isinampa niya rito. Base sa kanyang kwento, posible raw na nakasira ng malaki sa relasyon nila ang balita noon na diumano’y pagkahilig ni Claudine sa casino.

Posible raw na kung sinu-sino ang nakilala doon ni Claudine kaya nagkawindang-windang ang pagsasama nila ni Raymart.
Nakwento rin niya kung ano ang tunay na nangyari sa “pag-uunahan” diumano ng mag-asawa sa pag-withdraw ng pera nila sa bangko na napaulat noon.

Pero siyempre, ‘yun naman ay base sa kwento lang niya kaya mahirap ding isulat.

 ( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending