Kris sadista at masokista kaya pinatulan si Bistek | Bandera

Kris sadista at masokista kaya pinatulan si Bistek

Cristy Fermin |March 28,2014
facebook
share this

Kris sadista at masokista kaya pinatulan si Bistek

Cristy Fermin - March 28, 2014 - 03:00 AM

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

Kung paniniwalaan namin ang isang impormanteng kailanman ay hindi nanunog at nanguryente sa amin ay totoong-totoong may relasyon ngayon sina Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino.

Labas daw ang usaping politika sa kanilang pagiging malapit ngayon, wala raw kinalaman ‘yun sa kanilang relasyon ngayon, may kalaliman na raw ang kanilang pagsasama ngayon.

Dalawang beses nang nakikitang ihinahatid ng mayor ng Kyusi si Kris sa taping ng kanyang show, tumatagal din ang politiko sa dressing room ni Kris bago ito umalis, kaya maraming usisero ang naniniwala na may unawaan na sila.

Kung totoo ang mga kuwento ay lalabas na namang mang-aagaw si Kris dahil open-secret naman ang relasyon ni Mayor Herbert kay Tates Gana, ina ng dalawa nitong anak, kahit pa hindi sila kasal.

Pero hindi na bago ang ganitong senaryo sa pakikipagrelasyon ni Kris, kahit naman ang mga nakaraang karelasyon niya ay puro pamilyado na rin, mas exciting siguro talaga para sa kanya ang isang pagmamahalan kapag meron siyang kaagaw.

Para siyang sadista-masokista, parang gusto niyang may sinasaktang babae habang maligaya siya, okey lang ding masaktan siya habang nakikipagrelasyon.
Nakakaloka!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending