Boy: Gusto kong ipagmalaki ako ng nanay ko! | Bandera

Boy: Gusto kong ipagmalaki ako ng nanay ko!

Julie Bonifacio |March 22,2014
facebook
share this

Boy: Gusto kong ipagmalaki ako ng nanay ko!

Julie Bonifacio - March 22, 2014 - 03:00 AM


Napaka-espesyal sa King of Talk na si Boy Abunda ang kanyang Make Your Nanay Proud (MYNP) Foundation. Itinatag ni Kuya Boy ang foundation na ‘to mula sa pagnanais niya na maipagmalaki siya ng kanyang Nanay Lesing.

“Ginagawa ko ang isang bagay na sa aking palagay ay naaayon sa kung ano ang magiging reaksyon ng aking ina. At iyan ang palaging gumagabay sa akin hanggang sa kung ano man ang narating ko ngayon,” paliwanag ni Kuya Boy.

Ang MYNP ay isang organisasyon na binuo bilang pagbibigay-pugay sa mga ina sa buong bansa. At sa loob ng isang taong operasyon ng grupo ay nagpaabot na ito ng tulong pinansyal para sa mga livelihood projects sa iba’t ibang lugar.

Binisita at binigyan ng tulong ang mga kababaihang bilanggo sa ilang correctional facilities ng ating bansa at pinuntahan ang ilang lugar upang magpatayo ng mga paaralan at silid paaralan.

Sa gitna ng hagupit ng dalawang bagyong Pablo at Yolanda na puminsala ng maraming buhay at ari-arian ay nanguna ang MYNP upang magpahatid ng agarang relief goods sa Visayas at Mindanao.

Dagdag pa ni Kuya Boy na siyang Founder at Chairman ng MYNP, ang mensaheng hatid ng MYNP ay para sa ating lahat.
“Dahil lahat tayo ay anak ng ating ina.

At noong tayo ay nasa sinapupunan pa ay nagkaroon agad tayo ng isang espesyal na ugnayan at pagmamahal sa ating ina bago pa natin nadama ang ibang pakikipag-ugnayan sa ating buhay.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending