MMFF binalasubas, pinaglaruan sina Gov. Er at Kc; sinisi si P-noy
SA katatapos lamang na MMFF Awards Night na ginanap sa Meralco Theater, kitang-kita kung paano pinaglaruan ng jurors at pamunuan ng Metro Manila Film Festival ang pelikulang “Shoot To Kill: Boy Golden” ng Scenema Concept and Viva Films starring Laguna Gov. ER Ejercito and KC Concepcion under the direction of award-winning megman Chito Roño.
Imagine, ang “Boy Golden” at “10,000 Hours” are the only entries na nakakuha ng Grade A sa Cinema Evaluation Board pero tanging ang entry lang nina ER at KC ang walang nakuha kahit isang award – kahit pinaka-minor trophy ay ipinagkait ng MMFF jurors.
From the very start ay halatang pinupulitika na ang entry ni Gov. ER. Napakarami pang nominations ang ipinagkait sa “Boy Golden” tulad ng Best Original Theme Song (Abra’s Midas), Best Story and Best Screenplay, Best Music, among others.
Kahit second or third Best Picture ay talagang hindi ito binigyan – 3rd Best Picture went to “My Little Bossings” na wala raw ginawa kundi ang ipakita ang lahat ng endorsements ni Kris Aquino from start to end ng movie at 2nd Best Picture naman ang “Girl Boy Bakla Tomboy” na parehong nakakuha ng Grade B sa CEB.
“Ito ang obvious na napulitika dahil hindi nga kaalyado ng gobyerno. Kitang-kita kung paano tinaran***do ng MMFF ang ‘Boy Golden’ dahil galit si P-Noy kay ER.
“From the very start pa lang ay kitang-kita na kung paano siya pinag-iinitan ng pangulo. The Comelec issue for overspending daw dahil natalo nga ni Gov. ER nang milya-milya sa eleksiyon ang manok ni P-Noy na si Egay San Luis kaya gusto nilang tanggalin sa puwesto si Gov.
“Ang MMFF ay under the Office of the President kaya may hand talaga sila sa pamimili ng gusto nilang panalunin. Hindi ba’t wasak na wasak ang credibility ni P-Noy nitong nakaraang Yolanda tragedy kaya kinuha nito si Sen. Ping Lacson as the rehabilitation czar?
Ang pelikulang ‘10,000 Hours’ depicts or was inspired daw by the life story of Sen. Lacson kaya talagang ibinigay sa kanila ang halos lahat ng awards para pabanguhin ang pangalan ni Lacson to save P-Noy’s face sa sambayanan.
“Pati dito sa MMFF ay pinasok na nila ng kabalbalan. Paano nila ipapaliwanag na ang isang graded A movie ng CEB ay walang nakuhang award sa festival? Ang Best Float naman ay merong ibang sets of judges naman siguro, hindi naman sa technical and acting awards sila involved.
Akala nga namin ay maglalaban-laban sa padamihan ng awards ang ‘Boy Golden’ at ‘10,000 Hours’, tapos binokya nila ang movie ni ER.
Mga bastos sila!” mahabang sintir ng isang kaibigang reporter na nakasama namin right after the awards night.
“We should fight on. We have rave reviews.
We can make tonight just a hiccup,” ani direk Chito Roño na hindi na tinapos ang announcement ng Best Director award dahil naramdaman na niyang walang mangyayari sa “Boy Golden” dahil sa trending ng bigayan ng trophies.
Halatado kasing pilit na ibinagsak ang pelikula ni Gov. ER. “I’m still proud of our film. I’m sorry, we were shut out of the film festival awards,” dagdag pa ni Direk Chito.
“Kitang-kita talaga, maliwanag pa sa sikat ng araw. Imagine, pati ba naman Best Production Design ay ibinigay pa nila sa ‘10,000 Hours’ samantalang ‘yung kanila ay puro existing while ang sa ‘Boy Golden’ ay talagang binihisan ang mga location para maging consistent sa pagka-period nu’ng panahon ni Arturo Porcuna.
“Sa Best in Cinematography, kitang-kita naman kung gaano kalayo ang ganda ng ‘Boy Golden’ compared ulit sa ‘10,000 Hours’. Pero wala talaga eh.
Pati ang galing ng acting ni KC Concepcion ay inisnab nila. Ibinigay kay Maricel Soriano na very regular lamang ang dating. Walang bago sa acting ni Maricel kaya unlike itong kay KC na talagang ibang-ibang character ang makikita mo sa portrayal niya.
“Pati ang Best Supporting Actress na iyan, sino ba ang makakaisnab sa riveting performance ni Ms. Gloria Sevilla na napaka-natural compared to the ordinary acting ni Aiza Seguerra?
Tita Glo was very natural. Hindi na ba sila nahiya sa mga kaluluwa nila? Hindi naman pahabaan ng performance iyan, it’s the acting on a particular role ang pinagbabatayan dito.
“Sino raw ba kasi ang mga jurors? Mga street vendor, tricycle driver, student, teacher, government official, etcetera. And even beauty queen na wala namang alam sa filmmaking like Ariella Arida. Nakakaloka sila! Kaya noon pa man ay wala talaga akong bilib diyan sa MMFF, lalo na sa pagtrato nila kay Gov. ER.
“Tulad noong MMFF two years ago when almost all the awards ay nakuha ng ‘Asiong Salonga’, ang Best Actor ay talagang ipinagkait nila kay Gov. ER. Mainit talaga ang dugo ng MMFF sa kanya dala nga ng di ito kaalyado ng idolo nilang pangulo ng bansa na busy sa paglalaro ng play station.
Pinanalo nila si Dingdong Dantes na best friend ni P-Noy. Last year ay si Dingdong pa rin ang nakakuha ng best actor at niligwak na naman si Gov. ER for his sterling performance sa ‘El Presidente’.
“Ngayong taon ang pinakamalala. Binokya nila ang ‘Boy Golden’ kahit ito na yata ang pinakamagandang entry this year. Nakakalungkot isipin pero iyan ang katotohanan.
This is the worst film festival we’ve ever encountered. Tamaan sana sila ng kidlat lahat. Mga bastos sila, pinakabastos na mga nilalang sa mundo. Mamatay na sana sila!” anang galit na galit na tinuran ng isang kritiko.
(May karugtong bukas)
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.