Enrique umamin na, ‘NAGLALAWAY’ kay Sarah | Bandera

Enrique umamin na, ‘NAGLALAWAY’ kay Sarah

Ervin Santiago |December 24,2013
facebook
share this

Enrique umamin na, ‘NAGLALAWAY’ kay Sarah

Ervin Santiago - December 24, 2013 - 03:00 AM


Isa si Enrique Gil sa mga hinuhulaang magiging next big star ng ABS-CBN sa darating na 2014. In fairness, kahit paano ay marami na rin napatunayan ang hunk actor, hindi lang siya magaling na artista, marunong din siyang kumanta at napakagaling sumayaw.

“My 2013, it was amazing,” ani Enrique nang makapanayam ng ilang members ng press. “And sana magtuluy-tuloy ang magandang takbo ng career ko next year.”

Ano ang masasabi niya sa mga chika na siya na ang ginu-groom ng ABS-CBN para maging next big star? “Ewan ko. Wow! Talaga? Thank you ha!” “Siguro ano po, one of the puwedeng maging (next big star)…” medyo nahihiya pang sabi ng binata.

Looking forward din daw si Enrique na makatambal sa mga susunod niyang proyekto si Sarah Geronimo. “Next po, I would like to be paired with Sarah Geronimo po.

Why not, di ba? Si Sarah po, mahilig siyang mag-perform, mahilig siyang umarte. Nagku-concert siya, nagku-concert din ako,” hirit ng binata.

“So, sana. Kasi, inisip ko rin, sino pa ba ang puwedeng i-pair sa akin na parang ako? Si Sarah! I mean, kumakanta, sumasayaw, di ba? We’re performers, artista, di ba?” paliwanag pa ng actor-dancer.

Samantala, dedma na lang si Enrique sa mga namba-bash sa kanya sa social media, lalo na nang mabalitang siya na ang magiging leading man ni Julia Barretto sa seryeng Mirabella.

“Ay, wala talagang magagawa. Kasi, noong concert day mismo, doon ko ini-announce sa press na gagawin ko ang Mirabella. So, doon nga nagwala ang mga fans.

“E, wala tayong magagawa, desisyon ng management. We can’t please everyone naman, trabaho lang naman ‘to,” aniya pa.
Inamin din ng aktor na naaapektuhan din siya kahit paano kapag nakakabasa siya ng hindi magaganda mula sa mga bashers, “Oo naman, siyempre, sino ba ang gustong nagkakagulo o nag-aaway?

Siyempre, gusto mo lahat masaya. “Pero, sabi ko nga sa mga fans, ‘Guys, relax lang kayo, relax!’” dugtong pa ng binata.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending