I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |December 23,2013
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - December 23, 2013 - 03:00 AM

Mula kay Eric M. Funda ng Cebu City. September 12, 1971 ang birthday ko at may girlfriend ako ngayon na isinilang nuong April 24, 1971. Itatanong ko lang kung kami na ba ang magkakatuluyan?
Tugon ni Mamda Sophia: Sadyang compatible ang birthday mong September 12, 1971 sa birthday ng girlfriend mo na April 24, 1971. Ibig sabihin, siguradong kayo na nga ang magkakatuluyan at sa sandaling kayo ay nagkatuluyan at nag negosyo ng may kaugnayan sa pagkain, produktong butil at iba pang basic needs ng mga tao, tiyak ang magaganap – hindi lang magiging maligaya ang relasyon nyo, habang nagtutulungan at nagmamahalan, yayaman pa kayo!

Mula kay Rio C. Salazar ng Biñan, Laguna. January 25, 1979 ang birthday ko. Makapag-aasawa pa ba akong muli?
Tugon ni Madam Sophia: Yong mga taong isinilang sa petsang 25 na tulad mo ay sadyang mahina ang loob. Ibig sabihin, kapag hindi mo nilakasan ang iyong loob para muling manligaw, malamang na hindi ka na muling makapag-asawa.
 Ibig sabihin, lakasan mo lang ang iyong loob na manligaw, makapag-aasawa kang muli higit lalo kung ang liligawan mo ay silang isinilang sa zodiac sign na Libra, Gemini at kapwa mo Aquarius na may birth date na 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22, 7, 16 at 25 – kapag ganyan ang birthday ng babae ang iniligaya mo, sigurado na ang magaganap – muli kang makapag-aasawa at habambuhay na liligaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending