LUIS: Gusto kong asawa tulad ng mommy ko! | Bandera

LUIS: Gusto kong asawa tulad ng mommy ko!

Reggee Bonoan - November 14, 2013 - 03:00 AM


Hindi na kami magtataka kung matatagalan bago makahanap ng girlfriend si Luis Manzano dahil inamin niya mismo sa presscon ng The Generic Pharmacy na ineendorso ng mommy niyang si Batangas Gov. Vilma Santos na ang hinahanap niyang babae na gusto niyang makasama sa buhay ay katulad ng kanyang ina.

E, susme, mahirap ‘yun, bossing Ervin dahil nag-iisa lang ang isang Vilma Santos. “My mom naman is constantly the woman in my life na dapat lang na lahat ng characteristics meron si mommy ay dapat lang na meron din ang girlfriend ko.

“Kasi nakikita ko si mommy bilang asawa, so definitely ‘yung magiging asawa ko may characteristics na tulad niya na isang ina, so bakit pa ako lalayo sa isang peg?” katwiran ni Luis habang nakikinig naman ang kanyang proud mother.

Sa madaling salita, walang ganitong character sa mga naging karelasyon ni Luis? “May mga pangyayaring bagay-bagay kaya nagkakahiwalay, lahat naman sila ay mabubuting tao, things happen for a reason,” mabilis namang sagot ng binata.

Ano naman ang say ni Ate Vi sa pahayag ng anak? “No comment,” natawang sabi ng aktres-politiko. Dagdag paliwanag ni Ate Vi, “Ang akin lang naman, kung sino talaga ‘yung nagmamahal sa kanya kahit sino pa at ‘yun ang gusto niyang panindigan, doon lang din ako, but when it comes to mga problema niya ng personal, I don’t usually meddle, pag nagkakaroon ng problema ito sa puso, iisa lang ang tanong ko, ‘Okey ka lang ‘nak?

Kaya mo ‘nak?’ At just count your blessings, ‘yun lang at bahala na siya sa diskarte niya kung anong gagawin niya.” Ang payo raw nito kay Luis, “Nak, if it’s meant, it’s meant, pag hindi, then let go.

Ang point ko, even if you will feel the pain, remember compared to others, blessed ka pa rin.”  Nataon naman nang magbiyahe ang pamilya Recto kasama si Luis sa ibang bansa kung saan nag-celebrate si Ate Vi ng kanyang ika-60 taong gulang ay single ang binata na kadalasan ay nakakasama nilang bumiyahe ang mga naging girlfriend nito.

“Oo kasi ‘yung iba naman niyang girlfriends, nakakasama namin abroad at masaya rin,” kuwento ni Ate Vi. At dapat nga raw kung hindi naghiwalay sina Luis at Jennylyn Mercado ay kasama dapat ang aktres kaya ang tanong sa binata ay kung hindi ba niya na-miss ang girlfriend niya, “Things happen for a reason,”  sagot ng aktor.

Dagdag pa, “Kasi kung iisipin ko pa, e, di hindi ko mae-enjoy kasama ang pamilya ko, always look at the brighter side of life.”
“Oo nga ‘no, kasi kung may kasama siya, baka iba lakad niya baka nga may purpose na mag-isa lang siya muna para makasama namin siya sa lahat,” singit naman ng nanay ni Luis.

“He was with us sa Japan, kasi matagal na rin since the last time na buo kaming pamilyang nagta-travel, e, lagi siyang may partner, eh.

Iba ‘yung date, pero ngayon dateless, kasama ko siya (Luis), that’s why we were very, very happy,” masayang kuwento ni Ate Vi.
Sabat naman ni Luis, “Sabi nga ni mommy kanina sa backstage, ‘Anak, mag-plan tayo ng next vacation natin, may isasama ka na ba?’ Sabi ko, ‘Wala naman, hinga muna ako, relax muna ako!’”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending