Sandamakmak na guard, marshall nataranta sa mall show nina COCO, SHAINA, ERICH | Bandera

Sandamakmak na guard, marshall nataranta sa mall show nina COCO, SHAINA, ERICH

Reggee Bonoan - October 21, 2013 - 03:00 AM

DAGSA ang taong dumating sa Grand Juan Fun Day sa Activity Center ng Trinoma Mall noong Sabado ng hapon para makita nang personal ang buong cast ng My Little Juan at Juan dela Cruz sa pangunguna nina Coco Martin at Erich Gonzales.

Dumating din sa event sina Izzy Canillo, Shaina Magdayao, Diana Zubiri, Arron Villaflor, Neil Coleta, John Medina, William Lorenzo, Louise Abuel, John Regala, Zsa Zsa Padilla, Slater Young, Gina Pareno at Eddie Garcia at higit sa lahat, kumpleto ang lahat ng gumanap ng tikbalang, aswang at manananggal.

Pananghalian palang ay marami nang nakaabang na pamilya (kasama ang mga anak) para maghanap ng magandang puwesto. At ‘yung ibang mga nahuli ng dating ay saksi kami kung paano matiyagang binubuhat ng mga ama ang kanilang mga anak para makita ang mga bida ng JDC.

Mula sa ikaapat na palapag hanggang ground floor ay punumpuno ng tao kaya naman may mga naiinis kasi hindi sila makaraan ng maayos at ‘yung iba naman ay talagang dedma kahit natutulak-tulak na sila.

Kasama namin sa bandang unahan ng entablado ang mga guwapitong bagets na naka-costume ng Juan dela Cruz with matching espadang bakal na Krus at pana ni Juan, pinaakyat pa nga ang ito sa entablado para sa picture taking kasama sina Coco at Izzy.

Ang galing ding magpakilig nina Coco at Shaina dahil nagtutuksuhan sila sa stage at saka sinabayan ng paggiling habang kumakanta.

Pero nakakabingi ang hiyawan ng lahat nang sumulpot na sa stage si Erich para sa dueto nila ni Coco na sinabayan din ng aktor ng paggiling at kunwaring hahalikan ang ka-loveteam pero hindi itinuloy, nambitin pa.

Naroon din sina Jovit Baldivino at Angeline Quinto at ang bagong tuklas na si Juana Cosme pero ang isa pang talagang nabingi-bingi kami sa hiyawan ng tao ng lumabas ay si Abra kahit wala kaming naintindihan sa kinanta niya.

Dahil nagkakagulo na ang mga tao ay natakot naman ang business unit head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal dahil biglang huminto ang escalator sa buong Trinoma sa mga taong nagsisiksikan para makadungaw sa stage at ‘yung iba ay halos kalahati ng katawan ang nakalaylay na.

Oo nga naman, malaking problema kung may naaksidente pa kaya naman kaagad kumilos ang security ng Trinoma at pinatay muna ang escalator at saka pinababa lahat ng tao at sinabihang bawal huminto.

Nagdagdag din ng security sa harapan ng entablado bukod sa marshals ng ABS-CBN dahil nagdagsaan na ang tao sa harapan para mapiktyuran nang malapitan sina Coco at Erich.

Halos 10 dipa mula sa entablado ang barikadang nakaharang pero nagawa pa ring makalapit ang ilan. Panay nga ang iling ng direktor ng JDC na si Malu Sevilla, “Ibang klase talaga si Juan, kakaiba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ganyan talaga siya, lahat ng mall shows niya, dagsa ang tao.” At may konsolasyon ang lahat ng bagets na nanood sa Grand Juan Fun Day dahil may giveaways na JDC notebooks, krayla at candies, at higit sa lahat, soldout ang mga ibinentang espada, pana at sibat ni Juan dela Cruz.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending