Janine, Rayver tuloy ang sakripisyo bilang magdyowa; Yasmien 'pinahirapan' ang anak | Bandera

Janine, Rayver tuloy ang sakripisyo bilang magdyowa; Yasmien ‘pinahirapan’ ang anak

Ervin Santiago |August 28,2020
facebook
share this

Janine, Rayver tuloy ang sakripisyo bilang magdyowa; Yasmien ‘pinahirapan’ ang anak

Ervin Santiago - August 28, 2020 - 06:54 PM

 

MASWERTE ang Kapuso TV host-actor na si Rayver Cruz dahil kahit paano’y nadadalaw niya sa bahay ang girlfriend na si Janine Gutierrez sa gitna ng pandenya.

Pero siyempre, mariin pa rin nilang sinusunod ang healthy at safety protocols sa ilalim ng general community quarantine.

Sey ni Rayver sa nakaraang Kapuso Brigade Zoomustahan session, “Mas sa Zoom kami ngayon at sa Facetime.

“Kailangan kasi safe pa rin ang lahat. Nu’ng nag-GCQ (general community quarantine) mas nakakabisita na ako and kapag bumibisita siya sa mom niya sa  nakakabisita rin ako.

“Ngayon kahit GCQ na ulit kailangan safety pa rin ng bawat isa ang unahin.

“Mas okay kasing napa-practice natin ‘yung social distancing kahit na espesyal ‘yung mga taong bibisitahin natin,” chika ng binata.

Challenge pa rin kina Janine at Rayver ang pagkikita dahil kailangan pa rin nilang i-practice ang safety precautions at kinakaya naman nila ito.

“Medyo mahirap at first pero nakaka-adjust naman tayo, e. Ang importante, safe ang bawat isa,” sey ng aktor.

* * *

Binigyan ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ng Tagalog/Filipino challenge ang kanyang anak na si Ayesha.

Sa nakatutuwang vlog na ito ay kasama pa ang asawa ni Yasmien na si Rey Soldevilla.

Kwento ni Yasmien sa kanyang post, “Dahil Buwan ng Wika ngayong Agosto, ito yung #TagalogChallenge namin para kay #AyeshaZara noong quarantine. #FilipinoChallenge #TagalogChallenge #WikangFilipino #BuwanNgWika.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagulat naman si Ayesha sa challenge na ibinigay ng kanyang mga magulang. Aniya, “I’m not that sanay with Tagalog.”

Pati si Rey ay mukhang nahirapan sa challenge para kay Ayesha. “Mahirap itong Tagalog challenge na ito,” say pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending