Hubad na larawan ni ZANJOE na halos kita na ang patotoy kalat na | Bandera

Hubad na larawan ni ZANJOE na halos kita na ang patotoy kalat na

Ervin Santiago |July 27,2013
facebook
share this

Hubad na larawan ni ZANJOE na halos kita na ang patotoy kalat na

Ervin Santiago - July 27, 2013 - 03:00 AM


MAY kumakalat ngayon sa internet na mga hubad na litrato ni Zanjoe Marudo na obviously ay kuha pa noong kabataan niya. Isa sa mga nakita namin ay ang picture ng aktor kung saan halos kita na ang kanyang “angry bird”.

In fairness, batambata pa sa kuhang iyon si Zanjoe, medyo payat pa siya at wala pang maipagmamalaking matitigas na muscles. Hindi naman bastos ang larawan, nakahubad siya roon at ang tanging saplot lang ay manipis na skimpy bikini na kulay yellow at pink.

Halos aninag na nga ang kanyang pototoy doon. Natawa pa nga kami dahil medyo makapal pa ang make-up ng aktor sa picture na ‘yun, ang kintab pa ng ginamit na lipgloss. He-hehe!

Kung hindi kami nagkakamali, isang shot ‘yun sa isang bikini contest (2001 Bodyshots) na sinalihan ng boyfriend ni Bea Alonzo.

Naku, kung makikita n’yo ang nasabing litrato, tiyak na matutuwa rin kayo. Kasi masasabi n’yo sa inyong sarili na napakalayo na nga ng narating ni Zanjoe.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending