Kris: Wag nang nega, walang mabuting dulot ang magalit!

By Alex Brosas August 11,2018
share this

Kris: Wag nang nega, walang mabuting dulot ang magalit!

By Alex Brosas August 11,2018
share this

KRIS AQUINO

May ilang netizen ang nagpaabot kay Kris Aquino na inisnab daw ng dalawang major local TV stations ang pagrampa niya world premiere ng Hollywood movie na “Crazy Rich Asians” na ginanap sa TCL Chinese Theatre sa Los Angeles, California.

May special participation si Kris sa pelikula bilang isang prinsesa. Last Thursday, ibinalita ng TV host sa kanyang Instagram na pabalik na sila sa Pilipinas.

Isang netizen ang nagtanong kung bakit wala raw coverage ang ABS-CBN at GMA 7 sa pinuntahan niyang international event sa Hollywood, “Are they under restraint and control? By their management? Or by invisible force?”

Sagot naman ni Kris ng, “Wag na maging negative. Walang mabuting dulot ang magalit or magtampo sa bawat perceived snub… ang importante maraming Filipinos worldwide felt good seeing me represent our country.

“WE can accomplish so much more by promoting those we love & those who generously support rather than giving attention to those who don’t appreciate us,” she added.

Sa pagkakaalam namin, ibinalita naman ng ABS-CBN at GMA ang pag-attend ni Kris sa Hollywood red carpet premiere ng “Crazy Rich Asians”, baka hindi lang napanood ng ilan sa kanyang followers ang news feature ng dalawang network about it.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending