Cabinet Secretary feeling artista

By Den Macaranas August 01,2018
share this

Cabinet Secretary feeling artista

By Den Macaranas August 01,2018
share this

HABANG abala ang lahat ng mga bisita sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ay iba naman ang inasikaso ng isang Cabinet secretary sa Batasang Pambansa Complex.

May dala siyang personal cameraman para kunan siya ng litrato at sariling video.

Wala namang balak tumakbo sa susunod na eleksyon ang nasabing opisyal kaya marami ang nagtaka kung saan niya gagamitin ang mga video at litrato at kailangan pa niyang magdala ng sariling cameraman.

Sinabi ng ating cricket na nag-shoot din pala ng ilang footages si Sir na gagawing cover video sa binubuo niyang music video.

Opo, may pagka showbiz talaga si Sir at ngayon ay gusto niyang gumawa ng sariling music album kaya natural na siya rin ang laman ng video version nito.

Bukod sa kakaiba ang fashion sense ni Sir ay talagang kinarir na rin nya ang pagporma ng isang nagpupumilit na magmukhang millenial.

Marami nga ang nakakapansin sa ating bida na ginagaya nito ang porma ni John Lloyd Cruz samantalang ang ka-edad naman nya talaga ay si Tirso Cruz.

Kamakailan lang ay nagpumilit rin si Sir na magkaroon ng segment sa isang morning tv show pero tinabla siya ng production team nito.

Later on ay lumabas ang tunay na motibo ni Sir na gusto pala niyang pormahan ang isa sa mga magagandang hosts ng nasabing tv program.

Marami tuloy ang nahihiwagaan sa mga pinaggagawa ni Sir dahil kahit paano ay kilala ang kanyang pangalan sa lipunan pero nagmukukha siyang katawa-tawa dahil sa kakaiba niyang porma.

Ang government official na ang pakiramdam sa sarili ay isang gwapong entertainment personality ay si Mr. S….as in Swabe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending