Kakai Bautista napagkamalang nanay ni Ahron Villena sa Japan | Bandera

Kakai Bautista napagkamalang nanay ni Ahron Villena sa Japan

|July 23,2018
facebook
share this

Kakai Bautista napagkamalang nanay ni Ahron Villena sa Japan

- July 23, 2018 - 12:15 AM

TAWA nang tawa ang mga miyembro ng entertainment press sa mga kuwento at hugot ng controversial “couple” na sina Kakai Bautista at Ahron Villena sa nakaraang presscon ng launching movie nilang “Harry & Patty (A Beginning of a not so Beautiful Love Story).”

In fairness, mukhang sincere at totoo namang maganda na ang relasyon nila ngayon matapos magkaroon ng matinding away noon, lalo na ang palitan nila ng maaanghang na salita sa social media.

Natanong sina Kakai at Ahron kung true to life ba ang kuwento ng kanilang pelikula o hango ba ito sa kanilang past love story?

“Actually po talaga, ang hirap po kasing mag-ano, marami po talagang tao na, si Kakai po kasi, sobrang naging close kami niyan. Sa mga hindi nakakaalam, naging close kami sa Japan. Doon nagsimula ang friendship namin,” unang kuwento ni Ahron.

Noong nagpunta raw sila Japan, “Napagkamalan siyang nanay ko ng Immigration Officer ng Japan.
Du’n talaga nag-start and from there, yung friendship namin, tumagal nang tumagal. Hanggang sa dumating sa point na yung mga taong malisyoso, yung mga taong iba ang iniisip…nagkaroon kami ng gap.”

Nagkaroon ba si Kakai ng malisya sa friendship nila? “Yung ibang tao. Yung mga sumawsaw na. Tapos, may mga pictures kami sa Instagram, mga unplanned na parang, ‘O tara, picture tayong dalawa.’ Tapos yung mga tao ang nagbibigay ng meaning.”

Sa tanong kung posible bang maging sila nga in real life, “Hindi ko alam! Mahirap magsalita ng tapos. Pero si Kakai is a good person. Sobrang mabait. At isa sa gusto ko sa kanya, yung boses niya.

“Sabi ko nga, yung iba baka akala komedyante lang siya. Pero kapag kumanta si Kakai Bautista, pipikit na lang ang kinakantahan. Parang, ‘Wow, ang ganda ng boses nito!’” sey pa ng hunk actor sabay pahabol ng, “Tsaka makinis si Kakai. Nakita ko na siyang naka-two-piece.”

Basta promise nina Kakai at Ahron, mag-eenjoy, tatawa, iiyak at mai-inspire kayo sa kuwento ng “Harry & Patty” mula sa Cine Ko Productions at showing na ngayong Aug. 1 nationwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending