Gay comedian inilihim ang pinagdaanang heart surgery

By Jun Nardo July 19,2018
share this

Gay comedian inilihim ang pinagdaanang heart surgery

By Jun Nardo July 19,2018
share this

SUMAILALIM sa heart surgery ang Kapuso comedian na si Joey Paras kamakailam pero inilihim muna niya ito.

Saka lang ibinandera ng Sunday PinaSaya mainstay ang pinagdaanang operasyon ngayong nasa recovery stage na siya base na rin sa recent post niya sa Instagram habang nasa ospital bed.

Nagulat siyempre ang ilang celebrities na kaibigan ng comedian gaya nina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, John Arcilla at Iza Calzado sa \opinagdaanan niyang heart surgery.

Ang pagkakaroon ng sakit sa puso ang dahilan noon ni Joey kaya naghinay-hinay siya sa trabaho. Dumating kasi ang panahong sobrang in demand niya sa TV at pelikula.

Siyempre, kailangan pa rin niya ng dobleng pag-iingat bago siya tumodo uli sa pagtatrabaho para mapanatiling healthy ang puso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending