Sweet umaming aktibo ang sex life: 4 sila, 2 masahista, 2...secret! | Bandera

Sweet umaming aktibo ang sex life: 4 sila, 2 masahista, 2…secret!

|November 14,2016
facebook
share this

Sweet umaming aktibo ang sex life: 4 sila, 2 masahista, 2…secret!

- November 14, 2016 - 12:01 AM

 

sweet edgar tj prince joey

TRIBUTE para sa mga beki ang bagong gay-themed movie ng Viva Films, ang “Working Beks” na idinirek ni Chris Martinez.

Pagkatapos nga ng matagumpay na “The Third Party” at “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend” na pareho ring may tema ng kabaklaan, panibagong pelikula na naman na tumatalakay sa buhay ng mga bading ang ireregalo ng Viva via “Working Beks”.

Ito’y pagbibidahan nina John Lapus, TJ Trinidad, Edgar Allan Guzman, Joey Paras at ang kontrobresyal na dating Starstruck Avenger na umaming bading na si Prince Stefan.

Kahapon sa presscon ng pelikula, sinabi ni Sweet na ibang-iba ang tema at kuwento ng “Working Beks” sa mga ipinalabas na beki movies kamakailan. Dito raw, limang magkakaibang kuwento ng kabadingan ang kanilang ipakikita.

“More on romcom kasi yung ‘The Third Party’ and yung Bakit Lahat Ng Gwapo’, itong sa amin, it’s about friendship, meron ding romance, love story. But more importantly, the story is about gay empowerment, respect and love. Dito like what direk Chris said, lumalaban ang mga bakla dito, hindi sila nagpapaapi!” chika ni Sweet.

Tulad nga ng sinabi ni direk Chris sa naunang panayam, “This is my tribute to the gays. I’ve been writing since 2004, so how many years na yon, 12 years na, I’ve been directing for 8 years, I think sa mga pelikula naman na sinulat ko makikita na parang meron siyang mga characters na gay or gay sensibility, pero wala pa talaga akong pelikula na para or tungkol sa gays.

“Parang feeling ko, hindi naman ako puwedeng hindi gumawa kasi gusto ko talagang gumawa ng ganito. Dream projectpo siya talaga,” hirit pa ni Direk.

Sey pa ni Sweet super nakaka-relate siya sa karakter niya sa movie bilang si Gorgeous na nagpapakamatay sa pagtatrabaho para sa pamilya at ibang tao na kung minsan ay nakakalimutan na ang sarili. Ang kaibahan nga lang ay siya raw ay aktibo ang sex life samantalang si Gorgeous ay malungkot ang personal na buhay.

Inamin ni Sweet na meron siyang apat na regular sexmates, “Dalawang masahista at dalawang secret!” Pero sey ni Sweet bumaba na ang libido niya ngayong 43 years old na siya. Hindi raw tulad noon na halos araw-araw ay meron siyang booking.

Parang 5-in-1 daw ang pelikula nila kaya sulit na sulit ang ibabayad ng madlang pipol sa sinehan. At hindi lang daw puro baklaan ang kuwento ng “Working Beks” dahil pampamilya rin ito kaya makaka-relate kahit mga straight guys.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin sa “Working Beks” sina Jeric Raval, Bela Padilla, Kai Cortez at marami pang iba.

Showing na ito sa Nov. 23 nationwide under Viva Films.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending