Janine sinupalpal ang bastos na AlDub fans

By Ronnie Carrasco III July 19,2018
share this

Janine sinupalpal ang bastos na AlDub fans

By Ronnie Carrasco III July 19,2018
share this

IN DENIAL pa rin ang maraming AlDub fans sa katotohanang ang sinusuportahan nilang tandem is nothing compared to how popular it used to be.

Kung tutuusin pa nga’y nasa stage sila when they harbor a mix of anger and resentment dahil sa pagkabalasa—or pagkabuwag—ng tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza, na kailangan nila itong isisi sa ibang tao.

Unfortunately, ang nasa receiving end ay si Janine Gutierrez, isa sa dalawang love interest ni Alden sa aabangang fantaserye nito sa GMA. Kung hindi kami nagkakamali, napipisil pa lang noon si Janine to be Alden’s leading lady—unofficially sometime noong Holy Week—ay umani na ng batikos at pintas ang aktres.

All the more na tumindi ang mga birang inaabot ni Janine from AlDub supporters, na pati ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang—Lotlot de Leon at Ramon Christopher—ay patotoo sa ugali niya na mahilig mang-agaw, palibahasa produkto raw siya ng broken family.

Sorry na lang sa netizen na ‘yon, Janine made an intelligent reply. Not because she comes from a broken family ibig sabihin ay broken na siya. On the contrary, her family setup has made her even stronger as a person.

Supalpal tuloy ang netizen. Wala naman kasing kaugnayan—whether direct or indirect—ang pagkakapunta ng role kay Janine sa kung anong family background meron siya. Bakit, how much do we know about the reason why Monching and Lotlot drifted apart?

Not all children born to broken families are themselves shattered. Ginagamit pa nga nila itong hamon to make the most out life’s misfortunes na hindi naman nila kasalanan nor kagustuhan. And why heap the blame on Janine?

Una, it’s management decision to pair Alden sa kung sinong GMA artist it believes will click with the viewers. Janine—natitiyak namin—didn’t lobby for the role. Neither did she—under any imaginable circumstance—put Maine down to build herself up.

Eh, sa laos na ang AlDub loveteam, bakit ang ikalawa at pangunahing dahilang ito ang hindi matanggap ng AlDub nation (kunsabagay, truth hurts if not kills)? Si Janine, mang-aagaw raw ng ka-loveteam? Teka, kelan pa nagkaroon ng exclusivity sa pairings?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending