Movie Review: Acting nina Joshua at Julia nag-level-up sa ‘I Love You Hater’

July 12,2018
share this

Movie Review: Acting nina Joshua at Julia nag-level-up sa ‘I Love You Hater’

July 12,2018
share this

KITANG-kita na nag-level up nang husto sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa kanilang latest movie na “I Love Hater” na isang romantic-comedy film.

Litaw na litaw ang galing nina Joshua at Julia sa pag-arte, comedy man o drama ang eksena.

Kayang-kaya nina Joshua at Julia ang umiyak kung hinihingi ng eksena, samantalang riot naman ang dalawa kung comedy.

Halos dalawang oras ang running time ng pelikula. Hindi mo naman mamamalayan ang oras dahil sa bilis ng pacing ng movie.

Maganda rin ang rapport nina Joshua at Julia kay Kris Aquino, na gumanap namang boss nila.

Tiyak namang kapupulutan ng aral ang “I Love You Hater” kung saan binigyang diin sa pelikula ang kahalagahan ng pagiging tapat at hindi nagsisinungaling.

Sa iskor na 1 hanggang 10, bibigyan ko ang “I Love You Hater” ng 9.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending