Jodi, Thirdy sabay naligo sa ulan; momshies nainggit sa mag-ina

By Alex Brosas July 13,2018
share this

Jodi, Thirdy sabay naligo sa ulan; momshies nainggit sa mag-ina

By Alex Brosas July 13,2018
share this

THIRDY AT JODI STA. MARIA

Parang bata na nagtampisaw sa ulan si Jodi Sta. Maria kasama ang anak niyang si Thirdy.

Sa isang video ay kitang-kita ang masayang bonding ng mag-ina na talagang tuwang-tuwa habang naliligo sa ulan sa kanilang village. Isang kasambahay yata nila ang kumuha ng video at talagang sinundan ang mag-ina habang naglalakad at naliligo sa ulan.

Ang fans ng aktres, tuwang-tuwa na nag-bonding ang mag-ina sa ulan. May mga nanay pa ngang nainggit sa mag-ina dahil hindi na nila nagagawa ang mga ganitong eksena kasama ang kanilang mga anak.

“Nakakatuwa silang mag ina. Sana lahat ng mothers tulad ni Jodi na kahit super busy still spending quality time with her son.”

“Ang cute naman ng mag ina na to!!!”

“Ang sweet and ang cute talaga ng baby ni Jodi.”

Samantala, ipinagpaalam ni Lisa (Jodi) kay Leo Tabayoyong (Robin Padilla) na si Martin (Richard Yap) ang magte-train sa kanya bilang bagong pasok sa trabaho. Pumayag naman si Leo at sinabing kung iyon ang makakabuti sa trabaho ni Lisa ay okay sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending