Female celebrity matindi mag-trip kaya hiniwalayan ng dyowang young Actor

By Cristy Fermin July 13,2018
share this

Female celebrity matindi mag-trip kaya hiniwalayan ng dyowang young Actor

By Cristy Fermin July 13,2018
share this

NU’NG baguhan pa lang siya sa showbiz ay nakarelasyon ng isang young actor ang isang female personality na mula sa malaking pamilya ng mga artista.

Nagtagal din sila, pero nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon, dahil madalas na lumilihis na sa tamang ugali ang babae. Mabait ang aktor, mahal na mahal siya, pero malakas ang sumpong ng babae.

Kuwento ng aming source, “Bago pa siya nakarelasyon ng ibang kilalang aktor diyan, e, naging sila muna ni ____ (pangalan ng guwapo at morenong aktor). Mahal na mahal siya ni young actor, sa kanya lang nakatutok ang panahon ng guy, pero ibang klase pala ang babaeng ‘yun kapag tinotopak!

“Mismo! Malakas ang sumpong niya, ibang klase, kaya hirap na hirap ang guy. May mga panahong nagtatrabaho siya, pero biglang tatawag ang babae, pipilitin siyang magpunta sa house ng girlfriend niya.

“Natural, okey lang ‘yun nu’ng una, pero nu’ng magtagal-tagal na, e, sumusuko na si lalaki. Malakas talaga ang dating ng girl kapag may sumpong siya,” simulang chika ng aming impormante.

Pero pareho silang sinuwerte nang magkahiwalay sila, nagkaroon ng magagandang projects ang young actor, ang babae naman ay nakapasok sa isang malaking network at nabigyan ng magagandang oportunidad.

“Siya ang unang boyfriend ng girl, wala pa siyang ginagawang project nu’n sa istasyong pinasukan niya, unang boyfriend niya ‘yung lalaking nagtiis sa ugali niya.

“Pero may hangganan nga ang pasensiya, kaya nakipaghiwalay rin ‘yung lalaki sa maganda pa namang girl pero topakin naman pala! Aanhin mo nga naman ang beauty ng girlfriend mo, kung iba naman pala ang ugali niya?

“Ano tuloy ang nangyari sa kanila, waley! Ano ang nangyari sa girl na hiniwalayan ng boyfriend niya? E, di belaaaatttt siya!” pagtatapos ng aming source.

Aysus, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sinu-sino sila, ha? Mauupo pa kaya kayo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending