One Up handang-handa na sa major concert

By Ervin Santiago July 13,2018
share this

One Up handang-handa na sa major concert

By Ervin Santiago July 13,2018
share this

ONE UP

HANDANG-handa nang magpakilig ang Kapuso boyband na One Up para sa kanilang “All in One Up” concert.

Susuyuin ng One Up members na sina Kevin Sagra, Nikki Co, Brent Valdez, Joemarie Nielsen, Arjan Jimenez, Ralf King, Prince Clemente, Yasser Marta, Jay Arcilla at Dave Bornea ang kanilang fans handog ang isang concert na magpapakita ng kani-kanilang talento bukod sa kanilang galing bilang grupo.

Sa produksiyon ng GION Prestige Productions, with Marvin Caldito as stage director and choreography by Mark Benzon Pelota, tiyak na magkakaroon ng pasabog na mga performance ang boyband sa kanilang first major concert.

Handog din nila sa kanilang fans ang single nilang pinamagatang “Smile,” na naghahatid ng mensaheng pasasalamat sa walang sawa nilang pagsuporta sa grupo.

Makakasama rin nila sa concert bilang special guests ang kapwa Kapuso stars na sina Migo Adecer, Karlo Duterte, Sofia Pablo, Will Ashley at Andrea Torres.

Maaaring bumili ng ticket mula sa SMTickets.com.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending