Pinoy arestado matapos mapatay ang GF nang pagsasaksakin sa Tokyo

By Leifbilly Begas July 12,2018
share this

Pinoy arestado matapos mapatay ang GF nang pagsasaksakin sa Tokyo

By Leifbilly Begas July 12,2018
share this

 

ARESTADO ang 30-anyos na Pinoy matapos patayin sa saksak ang kanyang girlfriend sa kanyang tirahan sa Hamura City, Tokyo, Japan noong Lunes.

Kinilala ng Tokyo Metropolitan Police si Alex Montefalcone Okuzumi, isang pansamantalang empleyado, na siyang suspek sa pagpatay sa kanyang 26-anyos na hindi kinilalang Pinay girlfriend, ayon sa ulat ng TBS News sa pamamagitan ng The Tokyo Reporter.

Ayon sa ulat, ginilitan umano ni Okuzumi ng leeg ang kanyang girlfriend at sinaksak sa hita noong Lunes ng gabi nang dumating ang biktima sa kanyang bahay.

Dinala ang biktima sa ospital, bagamat namatay noong Miyerkules.

Iprinisinta si Okuzumi sa mga prosecutor para sa kasong manslaughter.

Sinabi umano ni Okuzumi sa pulis na “I used a knife to stab her, but I did not intend to kill.”

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang insidente.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending