Utak sa pagpatay sa mayor ng Nueva Ecija nakilala na- Albayalde

July 12,2018
share this

Utak sa pagpatay sa mayor ng Nueva Ecija nakilala na- Albayalde

July 12,2018
share this

NATUKOY na ng Philippine National Police (PNP) ang mastermind sa pagpatay kay Gen. Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Sinabi ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na ikinanta ng mga naarestong gunmen na sina Florencio Suarez at  Robert Gumacay ang nag-utos na patayin si Bote.

Tumanggi naman si Albayalde na pangalanan ang mastermind sa pagsasabing patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

Naaresto sina Suarez at Gumacay sa isang checkpoint sa Del Gallego, Camarines Sur noong Miyerkules.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending