Janella nakipag-ayos na sa ina, ayaw na ng nega sa buhay | Bandera

Janella nakipag-ayos na sa ina, ayaw na ng nega sa buhay

Julie Bonifacio |July 10,2018
facebook
share this

Janella nakipag-ayos na sa ina, ayaw na ng nega sa buhay

Julie Bonifacio - July 10, 2018 - 12:10 AM

JANELLA SALVADOR

Mukhang may “peace talks” na nagaganap sa pagitan ng mag-inang Janella Salvador at Jenine Desiderio.

Tahimik kasi ang both camps sa pagbato ng ung anu-anong isyu sa isa’t isa unlike the past months na pinagpiyestahan talaga sila sa social media at sa mga dyaryo.

Dapat naman talaga ay itigil na ang sigalot ni Janella sa kanyang mudra. Tama lang na magpakumbaba na lang ang dalaga dahil nanay pa rin niya si Jenine at siguradong mahal na mahal pa rin siya nito.

Halos ‘di na namin mabilang ang celebrity moms and daughters ang nagkaroon ng ganyang isyu sa showbiz.

Speaking of Janella, bagay sa kanya ang role na ginampanan niya sa episode ng Maalaala Mo Kaya last Saturday. Isang madyikera ang role ni Janella na naghanap ulit ng magic sa buhay sa kabila ng trahedya at pagsubok sa kwentong tampok tungkol sa buhay ni Rosela sa programa ni Charo Santos.

Malaking parte kasi ng buhay ni Rosela ang magic dahil ito ang naging bonding nila ng kanyang tatay na si Ruperto (Tirso Cruz III). Ngunit matapos mamatay ang ama, tila nawala na rin ang magic sa buhay niya at ng kanilang pamilya.

Kasama rin sa nasabing MMK episode sina Assunta de Rossi, Louise Abuel, Laisa Comia, Nikki Gonzales, Sophia Reola at Mutya Orquia.

Ito’y sa direksyon ni Joan Habana at sa panunulat ni Raz dela Torre. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head na si Roda dela Cerna.

Panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK, tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending