Jeric dapat gayahin si Jak: Hubad kung hubad | Bandera

Jeric dapat gayahin si Jak: Hubad kung hubad

Jun Nardo |June 26,2018
facebook
share this

Jeric dapat gayahin si Jak: Hubad kung hubad

Jun Nardo - June 26, 2018 - 12:45 AM

JERIC GONZALES

May kinalaman sa bago niyang character sa ginagawang GMA series na Ika-5 Na Utos ang pagpapanday ni Jeric Gonzales ng kanyang katawan.

Pinatay man ang character niya sa top-rating series na Kambal, Karibal, napalitan naman ito ng programang muling hahamon sa kanyang pagiging versatile actor.

Eh, pangarap din ni Jeric na bumida sa isang action-packed na series. Sagot ang Ika-5 Na Utos sa pangarap dream niyang ito.

Sa totoo lang, puwede siyang pantapat kay Ruru Madrid kung kakisigan at pag-arte ang pag-uusapan.

Natengga man siya dati dahil sa kawalan ng regular projects, nalampasan na ni Jeric ang krisis na ‘yon sa kanyang career.

Maging matapang lang siya sa pagpapakita ng kanyang katawan dahil naging daan din ‘yon ni Jak Roberto kaya nabiyayaan siya ng leading man role gaya ng Meant To Be and now, ang Contessa.

Bukod sa pagiging guwapo, may boses din siya sa pagkanta. Kelan lang ay hinarana niya ang kanyang fans sa isang event. Bukod sa pagharana, tinuruan din niya ang fans niyang tumugtog ng giatar at ukulele.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending