Bagets actor inuna ang kaelyahan kaya wasak ang career | Bandera

Bagets actor inuna ang kaelyahan kaya wasak ang career

Cristy Fermin |June 23,2018
facebook
share this

Bagets actor inuna ang kaelyahan kaya wasak ang career

Cristy Fermin - June 23, 2018 - 12:15 AM

TULUYAN nang lumipad palayo sa isang young actor ang magandang kapalaran dahil lang sa sobrang init ng kanyang libido. Maraming nanghihinayang sa kanya dahil child star pa lang siya ay kinakitaan na ng maraming talento ang bagets actor.

Alanganin man ang kanyang height ay napasama pa siya sa isang grupo ng mga bagets na puro guwapo na ay magagaling pang sumayaw.

Hawak na sana niya ang suwerte pero maaga siyang nagpatihulog sa bitag ng pakikipagrelasyon.

Puro pagdedenay pa ang sinasabi niya nu’ng una pero nagkaroon ng pruwebang malapit na siyang maging ama.

Kuwento ng aming source, “Sayang ang batang ‘yun, hindi niya napigilan ang init ng libido niya, sayang siya dahil napakaraming nakaabang na magagandang opportunities sa kanya, pero inuna niya ang kaway ng laman.

“Imagine, habang abalang-abala ang mga kasamahan niya sa grupo sa kare-rehearse, e, palagi naman siyang wala, iba ang tinututukan niya. Nag-eensayo na pala siya sa paggawa ng baby.

“Nu’ng minsang nagkaroon ng celebration sa daily show kung saan siya kasama, e, ilang araw na naging busy ang tropa nila sa rehearsal. Malakihan ang okasyon, kaya medyo may kahirapan ang mga production numbers nila.

“Minsan-makalawa lang siyang nag-ensayo, pero pagkatapos nu’n, e, nagwala-walaan na siya.

Kesyo meron daw siyang lagnat, kesyo kinailangan daw niyang dalawin ang maysakit niyang lola sa probinsiya, pero ‘yun pala, e, palagi niyang kasama ang girl na dyontild na!

“May-I-deny pa siya nu’ng una, pero ang family na ng girl ang nakipag-usap sa production, totoong pregnant ang girl! Napakabatang tatay ng bagets, sa totoo lang, kaya ayun, nawalan siya ng work dahil nagdesisyon ang management ng network na tanggalin na siya sa grupo,” pagbabalik-alaala ng aming impormante sa naganap sa buhay ng young actor.

Ngayon ay sising-alipin na siya, kailangan niyang panindigan ang nangyari sa girl, pero wala naman siyang pagkukunan ng perang gagastusin para sa panganganak ng babae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakikiusap siyang makabalik na sana sa show para may regular siyang pagkukunan ng gagastusin niya sa pagiging tatay na niya, pero nabigo siya. Wala nga naman siyang disiplina, inuna niya ang kaelyahan, kaya magdusa siya sa ginawa niya!” pagtatapos ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan n’yo pa ba ng clue? Bigay na bigay na kung sino siya, manghula na kayo, it’s showtime!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending