Alden, Maine posible pa kayang makapag-duet? | Bandera

Alden, Maine posible pa kayang makapag-duet?

Jun Nardo |June 22,2018
facebook
share this

Alden, Maine posible pa kayang makapag-duet?

Jun Nardo - June 22, 2018 - 12:50 AM

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

Pinaaga ng GMA Records ang pagkakaroon ng fans ni Alden Richards ng latest single nitong “I Will Be Here.”

Sa July 1 pa ang scheduled release ng bagong single ng Pambansang Bae pero simula sa Sunday, June 24, puwede na itong i-pre-order sa iTunes.

Isa lang ang nasabing kanta sa mga pasabog ngayong Hulyo ni Alden. Balitang sa buwan ding ito mapapanood ang upcoming series niyang Victor Magtanggol sa GMA primetime.

Sa nasabing series, maririnig din ang collaboration ni Alden sa rap group na Ex Battalion na siyang kumanta ng theme song na “SuperHero Mo.”

Patok na patok sa netizens ang pagbanat nila sa theme song nang mapanood sila sa Spotlight Music Sessions kung saan nila kinanta ang official soundtrack ng series.

Mahigit na 70,000 YouTube viewers na ang nakapanood nito at nagandahan sa mensahe ng kanta. Sa comments section, swak na swak daw ang pagsasanib-puwersa ni Alden at ng Ex B.

Sayang nga lang, hindi magkakaroon ng chance si Alden na maka-duet si Maine Mendoza sa pagkanta dahil balitang sa ibang recording label gagawa ng album ang kanyang ka-loveteam.

But who knows? Uso na rin ang joint venture ngayon lalo na sa panahon ngayong iilang recording artists na lang ang bumebenta sa publiko, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending