Horoscope, June 21, 2018 | Bandera

Horoscope, June 21, 2018

Madam Sophia |June 21,2018
facebook
share this

Horoscope, June 21, 2018

Madam Sophia - June 21, 2018 - 02:19 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung ano ang hinahangad mo yon mismo ang matutupad. Kaya ang mas maganda maghangad ka ng mas matataas na pangarap, upang ito mismo ang kusang matupad. Sa pinansyal, basta’t hinangad mo ang pagyaman, maaaring ito rin ay mapasa iyo at agad-agad na matupad. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Red at green ang buenas.

Aries – (March 21-April 19) — Mahirap talagang mawalay sa minamahal ngunit kaila-ngan mong gawin yan para umunlad. Sa muli nyong pagkikita may napakasarap na romansang mararanasan. Mapalad ang 3, 6, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Om.” Purple at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Gagantimpalaan ang iyong mabuting kalooban. Sa araw na ito kusang darating ang suwerte at magagandang kapalaran. Sa pag-ibig, sa panahong ito ng tag-ulan lalong iinit ang romansahan. Mapalad ang 9, 18, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Name-Om.” Blue at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Yayaman ka kung bago matulog hanggang sa makatulugan bigkasin ang ganitong mantra: “Yayaman ako….Ako’y yayaman!” Sa pag-ibig, ituro sa kasuyo ang orasyon upang yumaman din siya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yama-Yasoda-Om.” Gray at gold ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Masosolusyunan ang mga problema kung paiiralin ang lakas ng loob. Sa pamamagitan ng tapang at lakas ng loob, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Sa pag-big, isang Scorpio ang sa iyo ay magpapakilig. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Green at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Hindi dapat panghimasukan ang buhay ng iba. Sa pag-ibig, hayaan mo lang kung ano ang nagaganap wag kumontra sa kapalaran, sa bandang huli ang lahat ay aayon din sa iyong kagustuhan. Mapalad ang 1, 8, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Maiwasan ang karamdaman kung kakain ng maraming prutas at sariwang gulay habang ipagpatuloy ang nasimulan pagbi-bisikleta ng regular. Sa pag-ibig ituloy ang pakikipag-relasyon sa isang sexy Libra. Mapalad ang 4, 19, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trata-Savitra-Om.” Red at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Walang kasing suwerte ang mararanasan mo nga-yon. Yong mga bagay na hindi mo inaasahan ay biglang mapapasa iyo at magugulat ka pa. Matutong laging magpasalamat upang ang suwerte ay patuloy pang dumapo at dumating. Sa pag-ibig, tuloy ang mainit na pakikipag-relayson sa isang Aquarius. Mapalad ang 6, 9, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Purple at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Huwag maging mapaglaro upang hindi ka rin laruin ng kapalaran. Sa pinansyal, ang pagtitipid at pagsisinop ay nagbubunga ng pagyaman. Sa pag-ibig may ligayang naghihintay kung magsusuot ng kulay red. Mapalad ang 7, 9, 13, 28, 36, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha-Om.” Bukod sa red ang blue ay buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kahit ano pa ang gawin mo dating at dating pa rin ang magagandang kapalaran, lalo na sa salapi at sa materyal na bagay. Ito ang araw o panahon na dapat ka ng mag-ipon ng mag-ipon. Sa pag-ibig, yakapin ng mahigpit ang kasuyo at mga mahal sa buhay, isiping ito na ang huling araw. Mapalad ang 6, 12, 21, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Pink at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Alalahanin mong nauubos din ang suwerte kaya dapat pa ring isa isip ang pagtitipid at pagse-savings para sa future. Sa pag-ibig, wag tipirin ang minamahal, ang page-express ng lambing at mainit na pag-ibig ay wala namang bayad. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raga-Kastha-Om.” Red at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Iwaglit na ang nakaraan sa bagong career at sa bagong karelasyon may ligayang naghihintay. Sa pinansyal kapag muling nagu-ulan, tuloy-tuloy ng lalakas ang kinikita at aangat ang kabuhayan. Mapalad ang 4, 15, 24, 34, 43, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Green at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Sa pag-ibig ang pabago-bagong pag-iisip ang magbibigay sa iyo ng problema. Magdesisyon agad at wag nang babaguhin pa. Sa pinansyal hindi ka dapat matakot, sa halip, marahas na pagpapasya ang dapat upang yumaman. Mapalad ang 8, 17, 23, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Dosya-Om.” Blue at silver ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending