Maine 1 buwan mapapanood sa Daig Kayo Ng Lola Ko | Bandera

Maine 1 buwan mapapanood sa Daig Kayo Ng Lola Ko

Jun Nardo |June 21,2018
facebook
share this

Maine 1 buwan mapapanood sa Daig Kayo Ng Lola Ko

Jun Nardo - June 21, 2018 - 12:01 AM

IPAGPAPATULOY ni Maine Mendoza ang kanyang character na Laura Patola na unang napanood sa Kapuso Sunday show na Daig Kayo Ng Lola Ko.

Ang episode ni Meng ang isa sa highest raters ng programa kaya naman niligawan ng production ang management ng Phenomenal Star para gampanang muli ang minahal na cha-racter ng mga manonood, lalo na ng mga bata.

Pumayag naman ang Triple AAA sa idea ng GMA. Kaya naman agad nag-taping ng bagong kuwento si Meng last Tuesday para sa DKNLK as Laura Patola.

Ang bongga, hindi lang isang linggo mapapanood ang Phenomenal Star kungdi apat na linggo, huh! Eh, enjoy naman ang TV host-actress sa kanyang character kaya isa ito sa magiging regalo niya para sa selebrasyon ng kayang 3rd anniversary sa showbiz ngayong July.

But wait, there’s more. Bukas, abangan ninyo ang isang malaking announcement kaugnay ng bagong career na pinasok ni Maine.

At bago matapos ang taon, mas may malaki pang project ang Dubsmash Queen para sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending