Pokwang galit na galit sa basher: Ikaw ang kawawa, kasi patay-gutom ka sa pera! | Bandera

Pokwang galit na galit sa basher: Ikaw ang kawawa, kasi patay-gutom ka sa pera!

|June 19,2018
facebook
share this

Pokwang galit na galit sa basher: Ikaw ang kawawa, kasi patay-gutom ka sa pera!

- June 19, 2018 - 12:30 AM

LEE O’BRIEN AT POKWANG

GALIT na galit ang komedyanang si Pokwang sa isang netizen na nam-bash sa kanyang American live in partner na si Lee O’Brian.

Pero mas na-bad trip si Pokey nang idamay na rin ng nasabing hater ang anak nila ni Lee na si Baby Malia.

Narito ang comment ng Instagram follower ng komedyana tungkol sa tatay ng kanyang anak, “Asawa ni pokwang puti nga pero palamunin naman nya… wawa naman pokwang sya pa nag wo work ang asawa wla lang.”

Resbak naman ni Pokey, “Ano problema mo? ikaw ba nagpapalamon? kung wala kang kaligayahan sa buhay, sa impierno ka pumunta!

“Tapos kapag sumagot at lumaban kaming artista sa mga pangdadaot nyo, sasabihin nyo agad masama pala ugali ng artista? Ano? Kayo lang may karapatan masaktan at sumagot? Hunghang! eto lang masasabi ko bilang tao at hindi ako Dios!!!”

Ipinagdiinan din ni Pokwang na hindi issue sa relasyon nila ni Lee ang tungkol sa pera at kung sino sa kanila ang mas malaki ang kinikita.

“Sorry ha hindi kasi ako patay gutom sa pera! at hindi sa pera nasusukat tunay na pagmamahal &^%#^*% ka!” pahayag pa ng komedyana.

“Kung sa bagay nasa itsura mo ang sabik sa pera pang bili ng whitening lotion mo na mukha kang anan na kumalat! Ikaw ang kawawa kasi patay gutom ka sa pera, pero wala kang pagmamahal na tunay dyan sa puso mo kung meron man!

“At wag ka dito sa accnt ng inosente kong anak mag kalat ng kademonyohan mo! mahiya ka naman kung meron ka non!” ang galit na galit pang pahayag ng komedyana.

Nag-post din si Pokey ng throwback photo nila ni Lee sa kanyang IG account, kasabay nito ang pagsasabing hindi siya papayag na basta na lang apihin at insultuhin ang kanyang pamilya.

Caption niya sa nasabing IG photo, “May mga tao talagang hindi masaya sa kaligayahan ng kapwa, may panghuhusga, panglalait, pero basta kami masaya at nagpapasalamat sa lahat ng biyaya lalo na sa aming nabuong pamilya (heart emoji).

“Kay @malia_obrian at @maesubong sila ang aming kaligayahan at dahilan para maging matatag (smiley). Sa mga hindi masaya para samin, salamat kasi mas pinagtitibay nyo kami (heart emojis),” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May plano na rin daw na magpakasal sina Pokwang at Lee at pinaghahandaan na raw nila ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending