Jolo nagpaalam na kay Jodi: Thanks for the wonderful 8 years!

By Alex Brosas June 18,2018
share this

Jolo nagpaalam na kay Jodi: Thanks for the wonderful 8 years!

By Alex Brosas June 18,2018
share this

“I WISH you all the happiness in this world that you deserve. Thank you for bringing out the best in me. Thanks for the wonderful 8years! Happy birthday Jods! God Bless always!”

‘Yan ang pagbati ni Jolo Revilla sa star ng Sana Dalawa Ang Puso na si Jodi Sta. Maria.
Naniniwala ang Instagram followers ni Jolo na hiwalay na ang dalawa dahil wala na ang term of endearment nila sa isa’t isa. Dati kasi ay “my love” ang tawag ni Jolo kay Jodi.

With that, bumuhos ang panghihinayang ng fans sa dalawa.

“Almost 8years…sana maging ok pa ren. God bless sa inyong dalawa miss Jodi and Jolo. Sayang.”

“Ohhhh my gosh bakit ikaw pamandin ang inaasahan ko na mamahalin mo sha habang buhay kakatanggal pa nga lang ng tinik ng puso ko may tinik na naman. Alam ko na wala akong karapatan sa relationship nyo pero nasasaktan ako para sa inyo.

“Hindi nyo ba alam ipinag tanggol ko pa kayo dahil sabi nila di kayo bagay pero sabi ko sa kanila hindi yun sa bagay kundi sa pagmamahalan kaya ba di ka kasama sa birthday nya? Grabe 8 years kayo mag kasama bakit pa kayo bumitaw?

“Nalulungkot ako para sa inyo mahal ko kayo parehas message mo palang kasi ehhhh alam na agad kasi walang love walang I love you. Grabe talaga. sana maayos nyo pa,” ang mahabang komento ng kanilang supporter.

Sa Sana Dalawa Ang Puso ay in love ang characters ni Jodi. As Mona, nahuhulog na ang loob ni Martin (Richard Yap) sa kanya. As Lisa, pinakasalan naman siya ni Leo Tabayoyong (Robin Padilla).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending