Maangas na male performer feeling sikat na sikat, pati talent manager tablado | Bandera

Maangas na male performer feeling sikat na sikat, pati talent manager tablado

Cristy Fermin |June 17,2018
facebook
share this

Maangas na male performer feeling sikat na sikat, pati talent manager tablado

Cristy Fermin - June 17, 2018 - 12:45 AM

DATI nang may kaangasan ang isang male performer, maraming hindi nagkakagusto sa kanyang mayabang na porma, lalo pang naangasan sa kanya ang kanyang mga katrabaho nang malaman ng mga ito na pati pala ang kanyang manager ay tinatrato nang hindi maayos ng male performer.

Tama, lutang siya sa linyang kinabibilangan niya, magaling siya pero para sa mga taong nakapalibot sa lalaking performer ay hindi ‘yun sapat para umangat na ang magkabilang paa niya sa lupa.

Kuwento ng isang source, “Taping nu’n para sa isang variety show, maraming singers na bisita, magkakasama ang halos lahat, pero itong si ____ (pangalan ng may kayabangang male performer), hindi sumasama sa grupo.

“Sumosolo lang siya, walang kausap, feeling siguro niya, e, hindi niya naman ka-level ang mga makakasama niya. So, nandu’n lang siya sa isang lugar, naghihintay na tawagin siya.

“Pinagkukuwentuhan siya ng mga nagkukumpulan sa isang sulok. Kahit kailan daw naman, e, ganu’n ang male performer, ang tingin sa sarili niya, e, siya na ang pinakasikat sa linyang kinabibilangan niya.

“Marami silang magkaka-style na nagkapangalan, usung-uso kasi nu’n ang rap, pero sa kanilang lahat, e, itong si ____ (ang mayabang na male performer pa rin) ang pinakamaangas.

“Wala siyang gaanong kaibigan sa grupo nila, palagi lang siyang sumosolo sa kahit saan sila magpunta, dahil ang pakiramdam nga niya, e, siya ang pinakasikat at pinakamagaling sa grupo nila,” kuwento ng aming source.

Hindi na gaanong uso ang kanilang atake ngayon, hindi naman sila nawawala, pero hindi na tulad nu’n ang kanilang popularidad ngayon. Pasulput-sulpot na lang sila sa mga fiesta, click pa rin naman sila, dahil may mga pangalan na nga.

Balik-chika ng aming impormante, “Naku, mas mapi-feel ng lalaking ‘yun na siya na nga ang pinakamagaling dahil may award na siya! Mas yayabang pa ang mokong na ‘yun, sa totoo lang!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakadaling matumbok kung sino siya, go lang kayo sa isang probinsiya sa Norte na pinagkunan ng name niya!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending