Sharon pinahanap ang batang kumanta ng Bituing Walang Ningning: I want to hug her! | Bandera

Sharon pinahanap ang batang kumanta ng Bituing Walang Ningning: I want to hug her!

Alex Brosas |June 16,2018
facebook
share this

Sharon pinahanap ang batang kumanta ng Bituing Walang Ningning: I want to hug her!

Alex Brosas - June 16, 2018 - 12:30 AM

SHARON CUNETA

SHARON Cuneta wanted to see the special girl who sang her iconic song na “Bituing Walang Ningning.”

Sharon watched the video with the young girl named Shekinaiah singing her signature song.

Naaliw at na-touch ang Megastar kaya naman gusto niyang ipatawag ang girl para mayakap man lang ito. Sobra siyang na-move at na-touch sa very raw rendition ng girl.

“Who and where is this child?! I want to hug her! ‘Bituing walang ningning’ cover by shekinaiah. Espesyal siya pero binigyan naman ng espesyal na boses na tiyak na magpapaningning ng ating mga bituin,” caption ni Sharon sa photo ng girl.

Ang nakakaloka, may nam-bash sa Megastar and said, “Para lang pag usapan lagi si Sharon.”
Agad naman itong sinupalpal ng isang Sharonian who said, “Hindi naman para pag usapan si Sharon me nag post /sumulat kay Sharon na kinakanta ng Special Girl ang Bituing Walang Ningning nagustuhan nya yung bata una Especial Girl siya.”

q q q

Galante pala ang isang veteran actress.

Kapag sumasakay siya sa TNVS (transport network vehicle service) ay may tip siyang ibinibigay sa driver.

Tuwang-tuwa nga at hindi makapaniwala ang TNVS driver na nasakyan namin ng friends ko. Kasi nga, naisakay niya ang aktres at na-amuse siya pagkakita rito.

Mahaba ang chikahan namin ng friends ko at ng TNVS driver. Nalaman namin sa kanya na marami na rin palang celebrity ang into TNVS business.

Ang nakakaloka, gusto na ng driver na iwanan na ang TNVS. Hindi kasi siya kumikita nang sapat. Hindi kasi niya naaabot ang quota kaya wala siyang incentive na natatanggap. The driver told us na para maka-quota ay kailangang 15 hours to 18 hours siyang mag-drive per day kaya wala na siya halos time sa kanyang pamilya.

Actually, lugi pa nga raw siya kasi lahat sa kanya – maintenance, gasoline, gastos kapag nakabangga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Eh, bakit hindi siya umalis na lang, say namin sa kanya? Eh, paano raw niya babayaran ang monthly na hulog sa kanyang kinuhang sasakyan. ‘Yun lang!!!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending