Pay rules sa Araw ng Kalayaan, Eid’l Fitr

By Liza Soriano June 15,2018
share this

Pay rules sa Araw ng Kalayaan, Eid’l Fitr

By Liza Soriano June 15,2018
share this

NAGPAALALA na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kumpanya sa pribadong sektor na sumunod at ipatupad ang tamang pasuweldo sa kanilang mga manggagawa kasabay ng pagdiriwang ng ika-120 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, Martes, at ngayong araw, Hunyo 15, para naman sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr, na kapwa idineklara bilang regular holiday.

Alinsunod sa Proclamation No. 269 at 514 na inilabas ni Pangulong Duterte noong Hulyo 17, 2017 at noong Hunyo 6, 2018,, sa ilalim ng Labor Advisory No. 09, series of 2018, na nagdedeklara sa mga nasabing araw bilang regular holiday.

Kasunod nito, nagpaalala ang labor department sa mga business establishments na sundin ang mga sumusunod na panuntunan sa pasuweldo para sa nasabing mga holiday.

Kapag ang empleyado ay hindi nagtrabaho, babayaran pa rin siya ng 100 porsiyento ng kanyang suweldo para sa isang araw, gayundin ng kanyang Cost of Living Allowance [(Arawang suweldo + COLA)] x 100%];

Kapag pumasok naman ang empleyado sa trabaho, babayaran siya ng 200 porsiyento ng kanyang suweldo para sa isang araw para sa unang walong oras ng trabaho, gayundin ng kanyang COLA [(Arawang suweldo + COLA) x 200%].

Kapag ang empleyado ay nagtrabaho nang lagpas sa walong oras, babayaran siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang hourly rate (Hourly rate ng arawang suweldo x 200% x 130% x bilang ng oras na tinrabaho).

Kapag ang empleyado ay nagtrabaho at nataon na ang mga araw na ito ay kanyang day-off o rest day, tatanggap siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang arawang sahod na 200 porsiyento [(Arawang suweldo + COLA) x 200%] + [30% (Arawang suweldo x 200%)];

Sakali namang mataon na day-off ng empleyado at nagtrabaho siya ng overtime, tatanggap siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw (Hourly rate ng arawang suweldo x 200% x 130% x 130% bilang ng oras na tinrabaho).

Information and
Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending