Payo ni Maine sa mga estudyante: Mag-enjoy sa school pero wag masyadong petiks!

By Jun Nardo June 14,2018
share this

Payo ni Maine sa mga estudyante: Mag-enjoy sa school pero wag masyadong petiks!

By Jun Nardo June 14,2018
share this

MAINE MENDOZA

PALAISIPAN kung sino ang babaeng nakatalikod sa Instagram photo na inilabas ng Universal Records boss na si Kathleen Dy Go. Nakasuot ng jacket ang girl na may tatak na “Universal.”

Sa nasabing viral photo, gumamit ng hashtag na #MaineForUniversalRecords ang netizens kaya naman hula ng fans ni Meng ay ang idolo nila ang nasa litrato na papasok na rin bilang full-pledged recording artist, huh!

Ayon sa text sa amin ni Rams David, President ng Triple AAA na management team ng Dubsmash Queen, preliminary talks pa lang ang nangyari kaugnay ng gagawing project ni Maine sa Universal Records.

But who knows dahil sa halos lahat ng artista ngayon, dapat ay multi-talented na kaya dapat hindi lang nakasentro sa pag-arte ang talentong taglay mo. Pag-aralan mo ring mag-sing and dance at mag-host.

Pero ngayong pasukan na, nami-miss ng Phenomenal Star ang pagiging estudyante sa College of St. Benilde. Kaya nga sa tweets niya kahapon, panay ang sagot niya sa kanyang followers na humihingi ng tips ngayong pasukan.

Sinasagot naman ni Meng ng seryso ang mga ito pero sinasamahan din niya ng jokes! Pero sa isang tweet, heto ang payo ni Maine, “Sa lahat ng estudyante diyan, ienjoy niyo lang ang pag-aaral at pagpasok sa iskul. Balang araw mamimiss niyo din yan. Mag-enjoy pero huwag masyadong petiks!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending