Female celebrity na nagwaging Best Actress pinagtripan ng mahilig at matandang politiko

By Ronnie Carrasco III June 14,2018
share this

Female celebrity na nagwaging Best Actress pinagtripan ng mahilig at matandang politiko

By Ronnie Carrasco III June 14,2018
share this

IS a kiss just a kiss? Kamakailan ay naging kontrobersiyal ang usapin tungkol sa paghalik.

As far, too, as this politician is concerned ay walang malisya kung binulungan niya ang isang aktes na gawaran siya nito ng halik.

Ang kuwento, presenter ng Best Actress category ang pabling na pulitiko sa isang awards night. Ang nanalo ay isang hot mama actress na ang seksing gown na halos luwa na ang cleavage ay lalo pang nakaatrak ng pansin ng pulitiko.

Nang makalapit na ang aktres sa kinatatayuan ng presenter sa stage ay bumulong ito, na siyempre’y ikinaintriga ng lahat. Papogi kasi ang simpatiko namang pulitiko sa kabila ng kanyang edad.

Kinabukasa’y nag-guest ang aktres sa isang talk show. Off camera ay tinanong siya ng isa nitong host kung ano’ng ibinulong sa kanya ng pulitiko. Curious lang daw siya.

“Ano,” medyo nahihiya-hiya pang sambit ng Best Actress awardee, “sabi niya, ‘Kiss mo ‘ko.’ Nahiya naman akong gawin kasi hellooo, ‘di naman ako patola sa mga DOM, ‘no!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending