Jackpot na P164M sa Ultra Lotto inaasahang tataas pa

By Leifbilly Begas June 13,2018
share this

Jackpot na P164M sa Ultra Lotto inaasahang tataas pa

By Leifbilly Begas June 13,2018
share this

INAASAHANG tataas pa ang P164 milyong jackpot sa Ultra Lotto matapos namang walang tumama sa bola ng 6/58, Martes ng gabi.

Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office walang nakakuha sa winning number combination na 48-18-57-09-28-53.

Tatlong mananaya naman ang nanalo ng 280,000 matapos makuha ang limang lumabas na numero.

Tig-P2,380 naman ang tinamaan ng 395 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 10,954 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending