Wish ni Mega: Makasama sa pelikula at concert si Regine

June 13,2018
share this

Wish ni Mega: Makasama sa pelikula at concert si Regine

June 13,2018
share this

TUWANG-TUWA ang mga fans nina Asia’s Songbird Regine Velasquez at Megastar Sharon Cuneta nang makita ang litrato ng dalawang showbiz icon sa social media.

Ibinandera muli ni Mega sa buong universe ang pagiging Reginian nang mag-post ng picture nila ni Regine together. Ayon kay Shawie, mahal na mahal niya ang misis ni Ogie Alcasid at umaasa pa rin siya na magkakasama sila one day sa isang bonggang concert o sa pelikula.

Sey ng Megastar sa caption ng kanilang litrato ng Songbird, “Isang Sharonian at isang Regine-ian, nagkita. How many of us get to love and be loved by, and become friends with our favorite?! You all know how much I LOVE Regine!!!

“And you all know that one of my biggest dreams is to share the stage with her 50/50! Movies, CDs, concerts – basta magkasama kaming dalawa!

“She and Ogie are two of my favorite artists. But much more important than that, they are two of my favorite people. Am so blessed to be able to call them my friends. What a couple. God bless you both and Nate. I love you my Reg!!! @reginevalcasid@ogiealcasid.”

Samantala, tuwang-tuwa naman ang mga fans nina Regine at Ogie sa video ng kanilang alagang aso na si Chanel.

Sa Instagram, ipinost ni Ogie ang ilang video ng kanilang puppy na tila bumibirit ng mga awiting “Narito Ako” at “Huwag Ka Nang Umiyak.” Ilang sandali lang ang nakalipas nang i-share ito ni Ogie sa kanilang followers ay sandamakmak na agad ang nakuha nitong likes and comments.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending