Coco Martin binigyan agad ng trabaho si Whitney Tyson | Bandera

Coco Martin binigyan agad ng trabaho si Whitney Tyson

Alex Brosas |June 10,2018
facebook
share this

Coco Martin binigyan agad ng trabaho si Whitney Tyson

Alex Brosas - June 10, 2018 - 12:05 AM

COCO Martin has a generous soul.

After watching Korina Sanchez’s Rated K episode which featured former comedienne Whitney Tyson, hindi nagdalawang-isip ang aktor na isama ito sa highly successful niyang programa, FPJ’s Ang Probinsyano. Nasabi kasi ni Whitney na gusto niyang magbalik sa pag-arte which Coco fulfilled with no hesitation.

Umani ng papuri ang ginawang iyon ni Coco. Lahat ay pumuri sa kanyang kagandahang loob. They see him as a hero sa mga artistang nangangailangan ng trabaho.

“No wonder hindi matapos tapos ang Ang Probinsyano dahil napakaraming natutulungan ni Coco sa palabas nya. hindi lang maganda ang story, nakakatulong pa sa mga kapwa nya artista. Kudos Coco Martin.”

“Ang FPJAP lang talaga nagbibigay ng 2ND CHANCE sa mga artistang nilimot na ng panahon na minsan nagbigay sila ng kulay sa ating mga pelikula nuon at muli sila makikita sa TV. Coco I salute you!

“Isa ka talagang ehemplo sa mga kapwa mu artista kaya bless ka ng ating Panginoong Jesus Kristo dahil sa kababaan mu ng loob… sana mag tagal tagal pa ang FPJAP mu para mas marami pang artista ang matulungan mu…. isa ka ng Alamat katulad ng Idol mung si Fernando Poe Jr.”

“Sama sama nating ipaabot sa Dreamscape at abs cbn na gawing forever na ang #FPJsAngProbincyano.”

Naku, mukhang hindi nga matatapos ang FPJ’s Ang Probinsyano. Ito ang most-awarded soap opera sa kasaysayan ng telebisyon. At walang rason para tapusin ito lalo pa’t consistent ito sa pagiging most-watched program.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending