Yasmien putok ang nguso sa taping: Sadista rin kasi ang mga viewers, e! | Bandera

Yasmien putok ang nguso sa taping: Sadista rin kasi ang mga viewers, e!

|June 05,2018
facebook
share this

Yasmien putok ang nguso sa taping: Sadista rin kasi ang mga viewers, e!

- June 05, 2018 - 12:20 AM

YASMIEN KURDI

GAME na game si Yasmien Kurdi sa pananakit at pang-aapi sa kanya ni Gina Alajar sa afternoon series nilang Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa pagpasok nito sa Book 2.

Extended ang HKKIK kaya naman super happy ang cast members at production ng programa.

“Yes, kaya we’re thanking lahat ng viewers na nanonood sa amin. Lahat ng paghihirap namin sa show paid off. Sa pambubugbog sa akin dito ni Tita Gina Alajar as my mother in law and Jackie Rice as Ava, one time nga, pumutok ang labi ko. Nagdugo.

“Pero okay lang, hindi maiiwasan ang magkasakitan sa ganyang scenes, e. Yun namang eksenang lumaban ako kay Tita Gina at sinaksakan ko ng tseke ang bibig niya, ang taas din ng ratings noon. Sadista rin kasi ang viewers, gusto nang nagsasakitan ang mga pinapanood nila,” natatawang kuwento ni Yasmien nang makachika namin sa taping ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka kamakailan.

Asahan daw ang mas marami pang nakaka-shock at nakakawindang na eksena sa serye ngayong pumasok na nga ang kuwento sa ikalawang libro. “Napakarami pang mangyayari, may mga papasok ding mga bagong character kaya ‘yan ang abangan nila,” chika pa ni Yasmien na ang seksi-seksi na ngayon.

Anyway, nag-share naman ang Kapuso actress ng ilang tips para mas maging matatag ang relasyon ng isang mag-asawa. Kamakailan ay nag-viral ang video at litrato ni Yasmien at ng kanyang asawang piloto na si Rey Soldevilla kung saan mapapanood ang pagreregalo niya rito ng bagong kotse.

Sey ng mga netizens, napakaswerte naman daw ng kanyang hubby sa pagkakaroon ng responsable at generous na misis, “Suwerte rin naman ako sa husband ko,” hirit ni Yasmien.

“We really support each other. We always communicate. Wala kaming inggitan. We always think we’re allies bilang mag-asawa at hindi kami nagko-contest. I handle our finances and budgeting but in making decisions, he’s the leader of our house.

“We bought our new house with our common funds, but for the car, I used my own money. Alangan namang magregalo ako tapos sa kanya rin pala galing ang pera. We still haven’t moved to our new house. Bago lahat ng gamit, e. Hindi pa tapos. Even the furniture, pasadya. Pero hindi pa rin namin iiwan ang condo namin kasi suwerte yun sa amin, e,” kuwento pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending