2 patay sa kidlat sa Calbayog City | Bandera

2 patay sa kidlat sa Calbayog City

|May 31,2018
facebook
share this

2 patay sa kidlat sa Calbayog City

- May 31, 2018 - 08:17 PM

DALAWA ang patay, samantalang dalawa pa ang sugatan matapos tamaan ng kidlat habang sakay ng pampasaherong bangka na nakadaong sa Calbayog Port, Calbayog City, Samar kaninang hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Reynaldo P. Delabajan, 28, operator sa National Power Corp. (Napocor), at Pedro N. Alimoot, mangingisda, kapwa taga Samar.

Sakay ang dalawa ng bangkang Justine Joy, na inarkila ng Napocor para magdala ng diesel ng Sto. Niño sa Samar.

Sinabi ng mga pulis na tumama ang kidlat sa puwesto nina Delabajan at Alimoot. dead on the spot ang mga biktima.

Sugatan naman ang iba pang mga pasahero ng bangka at dinala sa ospital para magamot. Kinilala ang mga biktima na sina Peter S. Alimoot, 26, isang estudyante at Jovane P. Campoanor, 26, boat crew.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending